Snooky Serna, nagbigay ng opinyon sa kahalagahan ng ganda at talento

Isa sa mga pinakamainit na usapin ngayon sa entertainment industry ay ang pagpili ng celebrity base sa kanilang ganda, o kaya ay talento sa pag-arte. Nitong Huwebes, June 3, sinagot ni Snooky Serna sa Fast Talk with Boy Abunda kung ano nga ba para sa kaniya ang mas mahalaga.
Para umano kay Snooky, napapansin niyang mas nabibigyan ng halaga ngayon ang pisikal na ganda kaysa sa talento.
“Parang 'yun ang napapansin ko, parang mas nabibigyan ng kahalagahan 'yung physical appearance. 'Yung talent will come much later on,” sabi ni Snooky.
Ngunit ang sentimyento sana ng batikang aktres, unahing bigyan ng pansin ang talento ng aspiring actors and actresses dahil para sa kaniya, ang kagandahan, “Darating na 'yan, mag-i-improve na 'yan as time goes by.”
Tingnan sa gallery na ito kung ano na nga ba ang pananaw ni Snooky tungkol sa kagandahan:









