advertisement
Celebrity Life

Social media stars who started their acting career in 2023

1 of 11

Rosmar Tan

Kilala si Rosmar Tan sa pagiging isang successful businesswoman at TikTok content creator. Bukod sa pagpapasaya online, nagbibigay inspirasyon at ngiti na rin siya ngayon sa iba't ibang television shows tulad ng Kapuso Mo, Jessica Soho, Magpakailanman, Wish Ko Lang, at sa mini-series na Zero Kilometers Away kung saan napanood siya bilang Yayo.

2 of 11

Toni Fowler 

Isa si Toni Fowler sa kilalang YouTube content creator sa bansa. Bukod sa pagiging isang vlogger, pinasok na rin ni Toni ang showbiz kung saan napanood siya sa ilang television series.

3 of 11

Norvin and Lovely Dela Peña

Nakilala sa social media ang mag-asawang Norvin at Lovely Dela Peña dahil sa kanilang matitinding pranks at nakatutuwang online contents na talaga namang umaabot ng milyon-milyong views. Noong nakaraang taon, napanood sina Norvin at Lovely sa Family Feud Philippines at sumalang na rin sila aktingan sa isang television series.

advertisement
4 of 11

Charuth

Sasabak na rin sa aktingan ang content creator na si Charlize Ruth Reyes o Charuth, na kilala sa social media sa kanyang nakakatawa at relatable skits. Kabilang siya sa cast ng upcoming Philippine version ng sikat na Korean drama series na Shining Inheritance na pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.

5 of 11

Evan Tan

Sumabak na rin sa acting ang mala-oppa na Filipino TikTok content creator na si Evan Tan. Nakasama siya sa cast ng pelikulang The Cheating Game na pinagbidahan nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Bukod dito, napanood na rin siya sa ilang television shows tulad ng Family Feud Philippines at Eat Bulaga.

6 of 11

Andrea So

Kasama sa cast ng The Cheating Game ang TikTok content creator na si Andrea So, na nakilala sa kanyang POV skits at orihinal na POV character na si Agent Red.

advertisement
7 of 11

Roi Oriondo

Sumabak na sa una niyang pelikula ang sikat na TikTok influencer na si Roi Oriondo kung saan kabilang siya sa cast ng The Cheating Game. Kilala si Roi sa pagiging isang dance at lip sync performer.

8 of 11

Roce Ordoñez

Dinala na ni Rocelyn Ordoñez ang talento niya sa acting sa pelikulang The Cheating Game. Nakilala si Rose sa kanyang husay sa POV skits at character impersonations.

9 of 11

Aaron Maniego

Nakilala bilang "Pambansang Bortang Barbie" sa TikTok, unti-unti na ring gumagawa ng ingay ngayon si Aaron Maniego sa showbiz. Noong 2023, napanood siya sa dalawang pelikula na The Cheating Game at When This Is All Over.

advertisement
10 of 11

Esnyr Ranollo

Hindi na lamang sa social media nagbibigay kasiyahan ngayon ang viral TikToker na si Esnyr Ranollo dahil napapanood na rin siya ngayon sa iba't ibang television shows at sa big screen kabilang ang Shake Rattle & Roll Extreme. Nakilala siya sa kanyang trending videos ng high school eksena skits sa social media.

11 of 11

Mika Salamanca

Pinasok na rin ng kilalang YouTuber na si Mika Salamanca ang showbiz kung saan napanood siya sa GMA series na Maging Sino Ka Man, na pinagbidahan nina Barbie Forteza at David Licauco. Gumanap siya bilang Sarah, isang vlogger na may fascination sa crime stories.

Around GMA