Social outcasts, magbabago ang buhay dahil sa pretty girl sa 'Regal Studio Presents: The Two Nerds'

Tunghayan ang kuwento ng lovable losers sa 'Regal Studio Presents: The Two Nerds.'
Best friends at smart students sina Jansen at Vince. Pero dahil naturingang mga nerd, walang gaanong pumapansin sa kanila sa school.
Lagi pa silang pinagtitripan ng jock na si Renz at mga kaibigan nito.
Magbabago ang social standing nina Jansen at Vince nang makilala nila ang "it girl" sa campus na si Angel.
Aksidente kasi nilang nabawi ang cellphone ni Angel mula sa isang snatcher. Buhat noon, lagi na silang iniimbita at isinasama ni Angel sa mga lakad niya.
Ito na ba ang babago sa buhay ng dalawang nerds?
Abangan ang kuwentong 'yan sa brand new episode na "The Two Nerds," April 23, 4:40 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






