Sofia Pablo at Allen Ansay, dumalo sa 'Green Bones' block screening ng fans

Marami pa rin ang tumatangkilik at sumusuporta sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Green Bones.
Mahigit 100 na sinehan ang nagpapalabas ng inspirational-drama film na nag-aalok ng madamdaming istorya at mahahalagang aral sa mga manonood.
Kamakailan lang, nagkaroon ng block screening ang Green Bones na inorganisa ng Team Jolly fandom. Dumalo ang fans nina Sofia Pablo at Allen Ansay, na sabay-sabay nilang pinanood ang nakakaantig na kwento ng pelikula.
Syempre, naroon din ang love team mismo na nagbigay saya habang nakihalubilo sa kanilang Team Jolly fans.
Silipin ang mga larawan nina Sofia Pablo at Allen Ansay kasama ang kanilang fans, dito:





