Sofia Pablo at Joaquin Arce, new housemates ng 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0'

Inilahad na ang dalawa sa maraming sorpresa ni Big Brother para sa viewers at fans.
Sa GMA news program na 24 Oras, ipinakilala na nitong Martes ng gabi ang dalawang Kabataang Pinoy na makikilala bilang pinakabagong housemates sa paparating na bagong season ng Pinoy Big Brother.
Ang unang ini-reveal na Kapuso housemate ay ang dating child star at 19-year-old Sparkle actress na si Sofia Pablo.
Makikilala siya rito bilang Ang Strong-Willed Sunshine ng Quezon City.
Papasok din bilang housemate ang 21-year-old Kapamilya star na si Joaquin Arce.
Si Joaquin na tinaguriang Rising Dreamer ng Muntinlupa ay stepson ni Angel Locsin sa kanyang husband na si Neil Arce.
Sino kaya ang next housemates na ipakikilala ni Big Brother?
Abangan 'yan sa susunod na updates tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Huwag palampasin ang muling pagbubukas ng Bahay Ni Kuya, sa darating na October 25 na.
THROWBACK: The Big ColLove Fancon

















