Inilahad na ang dalawa sa maraming sorpresa ni Big Brother para sa viewers at fans.
Sa GMA news program na 24 Oras, ipinakilala na nitong Martes ng gabi ang dalawang Kabataang Pinoy na makikilala bilang pinakabagong housemates sa paparating na bagong season ng Pinoy Big Brother.
Ang unang ini-reveal na Kapuso housemate ay ang dating child star at 19-year-old Sparkle actress na si Sofia Pablo.
Makikilala siya rito bilang Ang Strong-Willed Sunshine ng Quezon City.
Papasok din bilang housemate ang 21-year-old Kapamilya star na si Joaquin Arce.
Si Joaquin na tinaguriang Rising Dreamer ng Muntinlupa ay stepson ni Angel Locsin sa kanyang husband na si Neil Arce.
Sino kaya ang next housemates na ipakikilala ni Big Brother?
Abangan 'yan sa susunod na updates tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Huwag palampasin ang muling pagbubukas ng Bahay Ni Kuya, sa darating na October 25 na.
THROWBACK: The Big ColLove Fancon
Pasabog na performances ang inihandog ng ex-housemates para sa kanilang mga tagahanga. Kumpleto ang 20 housemates na sina (mula sa kaliwa) Emilio Daez, River Joseph, AC Bonifacio, Ashley Ortega, Michael Sager, Klarisse De Guzman, Shuvee Etrata, AZ Martinez, Brent Manalo, Mika Salamanca, Will Ashley, Ralph De Leon, Bianca De Vera, Dustin Yu, Charlie Fleming, Esnyr, Kira Balinger, Josh Ford, Vince Maristela, at Xyriel Manabat sa 'The Big ColLove Fancon.'
Seatmates sa big event ang ABS-CBN at GMA Executives na sina (mula sa kaliwa) ABS-CBN Chief Operating Officer for Broadcast Cory V. Vidanes, Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide and Support Group, and President and CEO of GMA Pictures Atty. Annette Gozon-Valdes, Sparkle GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo, at Sparkle Senior Talent Manager Tracy Garcia.
Katabi nila sa photo ay ang BINI members at ex-'PBB' houseguests na sina Stacey at Jhoanna, at ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya.
Labis na kinakiligan sa 'The Big ColLove Fancon' ang sweet scenes onstage ng Big Winner Duo na sina Brent Manalo at Mika Salamanca.
Napuno rin ng sigawan ang buong Araneta Coliseum sa inihandang song and dance number ng Second Big Placer Duo na sina Ralph De Leon at Will Ashley.
Buwis-buhay ang performance ng Team CharEs (Charlie Fleming at Esnyr) sa big event. Sila ang Third Big Placer Duo sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'
Ginulat ng Fourth Big Placer Duo ang guests at kanilang fans sa kanilang fiery performance onstage.
Isa sa pinagkaguluhan at pinag-usapan sa event ay ang pagsasama-sama nina Dustin Yu at Bianca De Vera (DusBi) at Will Ashley at Bianca De Vera (WillCa) sa isang song number.
Tila unstoppable ang hiyawan ng WillCa fans habang hinaharana ni Will Ashley si Bianca De Vera.
Hindi rin nagpahuli sa pag-cheer ang fans nina Dustin Yu at Bianca De Vera.
Magkasamang kumanta onstage si Klarisse De Guzman, na kilala rin bilang "Nation's Mowm," at ang itinuturing niyang eldest child sa Pamilya De Guzman na si Mika Salamanca.
Nakasama ng ex-housemates sa stage ng event ang ex-houseguest ni Kuya na si Ivana Alawi.
Napanood din sa event ang bonggang performance ng Dee-stiny's child members na sina Klarisse De Guzman, Esnyr, at Michelle Dee.
Naghiyawan din ang fans sa hot performance ng Pinoy Big Boys, kung saan itinampok din ang kanilang iconic aprons.
Inirampa ng Pinoy Big Girls ang kanilang beauty at fit bodies sa Araneta Coliseum.
Nagsilbing hosts sa pre-show ng 'The Big ColLove Fancon' ang Sparkle actor na si Anjay Anson at former PBB Gen 11 housemate na si Jas Dudley-Scales.
Nagperform din sa 'The Big ColLove Fancon' ang P-pop group na Cloud 7.
Reunited sa event ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition hosts na sina Bianca Gonzalez, Enchong Dee, Alexa Ilacad, at Mavy Legaspi.
Presenting ang ex-housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition. Pagkatapos ng event, idinaos naman ang fanmeet, kung saan nakapagpakuha ng photo ang ilang fans sa kanilang mga iniidolo.