News

Sofia Pablo nagsalita na, nilinaw ang tunay na dahilan sa pagtigil ng panliligaw ni Allen Ansay

GMA Logo Sofia Pablo and Allen Ansay
Photo source: 24 Oras, itsmeallenansay (IG)

Photo Inside Page


Photos

Sofia Pablo and Allen Ansay



Nagsalita na rin ang Sparkle actress na si Sofia Pablo upang linawin ang usap-usapang pagtigil ni Allen Ansay sa panliligaw sa kanya matapos ang inilabas na pahayag ng aktor sa social media.

Nilinaw ni Allen sa comments section ng TikTok na itinigil na niya ang panliligaw kay Sofia noong Marso. Ayon pa sa aktor, nananatili ang respeto at suporta nila sa isa't isa.

Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Lunes, July 6, ipinaliwanag ni Sofia ang tunay na dahilan kung bakit itinigil ng Code Grey actor ang panliligaw sa kanya.

"Mahirap po talaga i-balance 'yung career and love life. And syempre pareho po kami na bata pa, and marami kaming dreams for our family," pahayag niya.

Dagdag pa niya, "Maybe it's not the right time to continue talaga na i-pursue namin 'yung isa't isa."

Ibinahagi rin ng aktres na napag-usapan nila ni Allen na huwag nang isapubliko ang estado ng kanilang ligawan dahil personal na bagay ito para sa kanila.

Ngunit, aniya, "But we understand the fans na syempre magtataka sila kung bakit hindi na kami nagkakasama."

Nilinaw din ni Sofia ang mga isyung nag-uugnay sa kanya sa fellow ex-PBB housemate at Kapamilya actor na si Iñigo Jose.

"Kasi syempre may fan gatherings kami, and even inside the house, naging close naman po talaga kami. I don't think dapat talagang isipin ng tao na there's someone involved kung bakit tumigil si Allen kasi clear po talaga sa amin ni Allen na tumigil kami kasi we want to focus on our respective careers," paliwanag niya.

Sa kabila nito, sinabi ni Sofia na nananatili pa rin silang magkaibigan ni Allen.

"Opo naman. Syempre kailangan din namin mag-grow outside of our love team," sagot niya nang tanungin kung bukas pa rin ba siyang makatrabaho ang aktor.

Sina Sofia at Allen ay kilala bilang "Team Jolly," na nabuo matapos ang kanilang unang on-screen pairing sa 2019 series na Prima Donnas.

RELATED: Sweetest photos of Team Jolly - Allen Ansay and Sofia Pablo


Sofia Pablo and Allen Ansay
Team Jolly
Happy pill
Kilig
Matchy
Squid Game
Ray of sunshine
Happiness
Yellow
Prom
Holding hands
Performance
Cake
Deserve
Adventure
Happy pill
Black and White
TOYCON
Promposal
First DateĀ 
Preview Ball
Singapore trip
Travel
Wanderlust
Bench
The Sparkle Spell
Wakanda Forever
Luv Is: Caught in His Arms
Valentine's Day
In My Dreams

Around GMA

Around GMA

Unggoy na 'tisoy' sa Sultan Kudarat, protektado ng LGU; posibleng may ibang kondisyon kaya maputi
Woman killed, another hurt in Davao City shooting
Mga bagets, saya at kurot ang na-experience sa rolling perya | Barangay Love Stories