Sofia Trazona sa kanyang inang si SexBomb Izzy: 'I just want validation and acceptance'

Isang malungkot na katotohanan ang ibinahagi ni Sofia Trazona tungkol sa relasyon nila ng kanyang ina, ang dating miyembro ng SexBomb Girls na si Izzy Trazona.
Sa isang post sa X (dating Twitter), sinagot ng trans personality ang mga tanong kung kumusta na ba sila ng kanyang ina. Inamin ni Sofia na matagal na silang hindi nagkikita.
"I also am scared na pagnakita niya na ako ngayon as a transwoman, iba 'yung reaction na ma-receive ko and ayoko na bumalik sa dark place nu'ng lumabas 'yung issue," sabi niya online.
Dagdag pa ni Sofia, hindi na rin siya nakakadalo sa kanilang family gatherings dahil umano sa mga usap-usapan at pakiramdam niyang pinagkakaisahan siya.
"I just want validation and acceptance. Wala ng iba," dagdag niya.
sa lahat ng nag message sakin
— Sofia 🦋 (@andreitraz) February 9, 2026
no. di na po kami nagkikita ni mama, i also am scared na pagnakita niya na ako ngayon as a transwoman, iba yung reaction na mareceive ko and ayoko na bumalik sa dark place nung lumabas yung issue
i just want validation and acceptance. wala ng iba
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi rin ni Sofia na malapit na siyang sumailalim sa isang “big operation” na may kaugnayan sa kanyang transition.
Matatandaang unang inamin ni Sofia ang kanyang transgender identity noong January 2025.
Related gallery: Meet Andrei 'Sofia' Trazona, SexBomb Izzy Aragon's firstborn
Noong 2023 naman, hayagang ibinahagi ni Izzy ang kanyang hindi pagsang-ayon sa pagiging drag queen ni Sofia. Ayon sa dancer, nais lamang niyang protektahan ang kanyang mga anak alinsunod sa kanyang pananampalataya.
"Andrei (dating pangalan ni Sofia) anak, I love you so much to not support you on things that will harm you," saad ni Izzy sa isang post.
"Sometimes, parents & their children have disagreements and its normal. But I know both sides have that pain in their [heart] and wishes that they will just simply agree w/ each other. Both have their own reason of what they are fighting for."
Kahit hindi niya sinusuporta ang buhay ngayon ng kanyang anak, hindi raw mawawala ang kanyang pagmamahal sa kanya.
Samantala, narito ang ilang celebrities na nakatampuhan ang kanilang magulang:

















