Sofia Trazona shares heartfelt talk with Izzy, urges public to stop the hate toward her mom

May bagong post si Sofia Trazona tungkol sa current status ng relationship nila ng kanyang mommy na si Izzy Trazona.
Sa gitna ng isyu nila ng kanyang stepdad na si Alvin Aragon at online backlash, nilinaw ni Sofia na maayos ang relasyon nila ng kanyang mommy na si Izzy.
Isang screenshot ang ibinahagi niya sa kanyang latest post sa social media.
Mababasa rito ang conversation nila ng kanyang Mama Izzy, kung saan kinumusta at niyaya niya pang mag-shopping ang huli.
Sa messages naman ni Izzy para sa anak, sinabi niyang kahit magkalayo sila ay pinanghahawakan niya ang pagmamahal nila isa't isa.
Sabi ni Izzy, “One that I'm grateful, is that ang dami ng dinaanan ng relationship natin and we fight for it, by His grace. Magkalayo but we know in our hearts that the love never goes out kahit ano pang sabihin ng iba.”
“Of course! You're my mom. Kadikit ka na ng life ko ma. Mahal na mahal kita. I'll never stop fighting for you,” sagot ni Sofia sa kanyang ina.
Paglilinaw naman ng drag queen sa kanyang post, “Okay po kami ni Mama don't worry,”
Kakabit nito ang panawagan niya sa bashers ng kanyang ina, “Please stop sending hate towards her. I love my mom so much.”
Courtesy: Sofia Trazona (Facebook)
Si Sofia o Andrei ay panganay na anak ng dating SexBomb Girls member na si Izzy Trazona.
Matatandaang January 2025 noong una niyang isapubliko ang tungkol sa kanyang pagiging trans woman.
GET TO KNOW MORE ABOUT ANDREI "SOFIA" TRAZONA:



















