Fast Talk with Boy Abunda
Solenn Heussaff, ibinahagi kung papaano nagsimula ang skit na 'Wifezilla'

Sikat na sikat ang comedy skit ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico na “Wifezilla” kung saan “bullied husband” ang asawa ng aktres.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, ibinahagi ni Solenn na kay Nico nanggaling ang ideya ng kanilang gag.
“Si Nico nag-conceptualize kasi medyo strict ako pagdating sa bahay,” pagbabahagi ni Solenn.
Alamin ang buong kuwento kung paano nagsimula ang “wifezilla” gag nina Solenn at Nico sa gallery na ito:









