advertisement
TV

Solenn Heussaff, ibinahagi kung papaano nagsimula ang skit na 'Wifezilla'

1 of 10

Wifezilla and the Bullied Husband Club

Kinamusta ni King of Talk Boy Abunda kung papaano nga ba nagsimula ang viral skits na ngayon nina Solenn at Nico na Wifezilla na the Bullied Husband Club.

2 of 10

Nico's idea

Ayon kay Solenn, ang asawa niyang si Nico ang nag-conceptualize ng skit dahil sa pagiging strikto niya sa bahay.

3 of 10

Pinagmulan

Pagbabahagi ni Solenn, "Kasi medyo strict ako pagdating sa bahay, like the moment you entered the hosue, shoes off. Kasi lagi 'yung mga lalaki, parang they're not dirty pero pagpasok ko, may medyas sa couch or may t-shirt tapos 'pag hindi ko tinanggal, it's gonna be there for a month or two months."

advertisement
4 of 10

Inspiration

Iyon naman ang naging inspirasyon ni Nico, ang maraming quirks niya sa bahay.

5 of 10

Bath and work-out towel

Isa sa mga hindi niya umano mapapalampas ay ang paggamit ng bath towel bilang workout towel. Para kay Solenn, hiwalay dapat ang mga ito.

6 of 10

Sobrang linis

Pagmamalaki ni Solenn, "If you go to my house, as in you can lick the floor, ganu'n, sa linis."

advertisement
7 of 10

Magazine Shoot

Ani Solenn, tila magshu-shoot para sa isang magazine ang ayos at linis ng kanilang bahay. "Kasi 'yun 'yung gusto ko, paggising sa umaga, lahat malinis," sabi ng aktres.

8 of 10

Funny man

Pag-amin ni Solenn, si Nico ang nag-iisip ng ideya para sa kanilang gags dahil ito ang mas nakakatawa sa kanilang dalawa.

9 of 10

Funny bone

Saad pa ni Solenn, "He's so fun, he comes up with all the concepts kasi ako, wala ako masyadong comedy bone in my body, pero siya talaga."

advertisement
10 of 10

Happy family

Ngunit paglilinaw ni Solenn, masaya at maganda naman ang samahan nilang mag-asawa sa totoong buhay.

Around GMA