Sparkle artists wow fans with amazing performances at 'Sparkle Grand Fans Day 2023'

Puno ng saya ang Linggo ng Kapuso fans dahil nakasama at nasilayan nila ang Sparkle stars sa naganap na Sparkle Grand Fans Day 2023 nitong Linggo (December 10) sa SM North EDSA Skydome.
Present dito sina Asia's Multimedia Star Alden Richards, Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza, Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid, Sang'gre star Bianca Umali, Sang'gre actor Kelvin Miranda, The Missing Husband star Jak Roberto, at marami pang iba.
Nagpasaya ang Sparkle artists sa kanilang mga tagasuporta sa pamamagitan ng kanilang song at dance performances. Sa katunayan, ilang lucky fans din ang naka-duet ang Sparkle stars sa stage.
Bukod sa inihandang performances ng Sparkle stars, may pa-raffle rin ang mga ito sa lucky fans na nakapag-uwi ng papremyo.
Silipin ang highlights ng Sparkle Grand Fans Day 2023 sa gallery na ito.



















