Sparkle stars, nagbigay saya sa kanilang fans sa Malabon

Naghatid ng saya ang ilang Sparkle artists sa isang exclusive fan meet sa isang mall sa Malabon noong Linggo, April 16.
Dumagundong ang Fisher Mall dahil sa palakpakan at hiyawan ng mga Kapuso sa performances ng 'Voltes V: Legacy' stars na sina Matt Lozano, Radson Flores, Liezel Lopez, at Kimson Tan.
Ipinamalas din ng Kapuso girl group na XOXO at Birit Beauty na si Jeniffer Maravilla ang kanilang husay pagdating sa kantahan.
Hindi rin nagpahuli ang Sparkle Teens na sina Charlie Fleming, Keisha Serna, John Clifford, Selina Griffin, Lee Victor, Bryce Eusebio, Ashley Sarmiento, Aidan Veneracion, Marco Masa, at James Graham.
Tingnan ang highlights mula sa naturang Sparkle Fan Meet sa gallery na ito.









