SPOTTED: Celebrities at Atty. Annette Gozon-Valdez' birthday party

Isang star-studded na birthday bash ang inihanda para kay GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdez nang ipagdiwang niya ang kaniyang kaarawan kamakailan.
Sa Instagram Stories ni Julie Anne San Jose, na dumalo rin sa nasabing selebrasyon, ang birthday bash ay isang sorpresa para sa GMA executive na dumating sa The Peninsula Manila kasama ang kaniyang ama na si Atty. Felipe L. Gozon.
Sa Instagram, nagbahagi ng ilang litrato ang Sparkle Artist Center at ang NicePrint Photo na official photographers ng mga kasiyahanng naganap sa selebrasyon. Makikita sa mga litrato ang ilang celebrities na dumalo katulad nina Dingdong Dantes, Alden Richards, Julie Anne San Jose, at Rayver Cruz.
Tingnan sa gallery na ito kung sino-sino ang dumalo at nakisaya sa birthday bash ni Atty. Gozo-Valdez:









