advertisement
Showbiz News

Stars ng T.G.I.S., nasaan na ngayon?

1 of 43

Dingdong Dantes

Gumanap bilang si Iñaki Torres ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa serye. Sa isang interview, inamin niyang naging biggest break niya ang 'T.G.I.S.'

2 of 43

Happily Married

Ngayon ay happily married na si Dingdong sa kaniyang loving wife na si Marian Rivera, at meron na ring dalawang anak, sina Zia at Sixto.

3 of 43

Best Actor

Patuloy pa rin sa pag-arte at pag-host ang Kapuso Primetime King at sa katunayan, kailan lang ay tinanghal siyang Best Actor sa nagdaang Manila International Film Festival.

advertisement
4 of 43

Raven Villanueva

Gumanap naman bilang si Cristina "Cris" De Guzman ang aktres na si Raven Villanueva sa teen-oriented show.

5 of 43

Living in the U.S.

Nagpatuloy pa si Raven sa kaniyang karera bilang isang aktres pagkatapos ng 'T.G.I.S' ngunit noong 1998, matapos ikasal sa aktor at news anchor na si Diego Castro III, ay lumipad na siya papuntang U.S.

6 of 43

Family

Naghiwalay sina Raven Villanueva at Diego Castro at ngayon ay kasal na sa isang American minister former actress. Meron silang anak na lalaki at ang anak niya kay Diego na si Claire Castro ay isa na ring Sparkle artist.

advertisement
7 of 43

Onemig Bondoc

Isa si Onemig Bondoc sa mga unang cast member ng show at gumanap siya bilang si Jose Mari "JM" Rodriguez.

8 of 43

Family Man

Bukod sa pagiging abala sa kaniyang negosyo, abala rin si Onemig Bondoc bilang isang family man sa kaniyang mga anak at asawa.

9 of 43

Red Sternberg

Ginampanan ni Red Sternberg ang role ni Francisco Martin "Kiko" Arboleda De Dios sa 'T.G.I.S.'

advertisement
10 of 43

U.S. Based

Naka-base na ngayon sa U.S. si Red kasama ang kaniyang asawa at dalawang anak.

11 of 43

Death

Noong May 2025, inanunsyo ng asawa ni Red na si Sandy ang pagkamatay ng dating aktor. Sa kanyang social media post, sinabi ni Sandy, "My husband suddenly passed away the morning of Tuesday, May 27th. To those who knew him from his early acting days, he was “Kiko,” but to our three kids and I he was simply Daddy/Dada."

11 of 43

Michael Flores

Kasama rin si Michael Flores sa naunang batch ng 'T.G.I.S.' at gumanap bilang si Miguel "Mickey" Ledesma.

advertisement
12 of 43

Acting

Ipinagpatuloy pa rin ni Michael Flores ang pag-arte at katunayan, kasama siya ngayon sa action-drama series na 'Black Rider'. Bago ito, naging parte rin siya ng Afternoon Prime series na 'The Missing Husband'.

13 of 43

Beautiful Family

Kung wala siya sa taping, kasama naman niya ang kaniyang pamilya, ang asawa at dating beauty queen na si Nina Ricci Alagao, at tatlo nilang anak.

14 of 43

Bernadette Allyson

Gumanap naman bilang Beatrice "Bea" Santillan ang aktres na si Bernadette Allyson sa teen-oriented show.

advertisement
15 of 43

Happy Family

Kasal na si Bernadette Allyson sa kapwa actor na si Gary Estrada, at meron silang tatlong anak. Lumalabas pa rin paminsan-minsan si Bernadette sa mga serye at sa katunayan, ay naging parte siya ng hit revenge drama series na 'Makiling'.

16 of 43

Rica Peralejo

Ginampanan ni Rica Peralejo ang role ni Michelle "Mitch" Ferrer na naging kapareha ng karakter ni Red Sternberg na si Kiko.

17 of 43

Loving family

Ipinagpatuloy pa ni Rica ang kaniyang acting career at lumabas pa sa ilang pelikula at serye sa telibisyon. Kalaunan ay iniwan rin niya ang showbiz kasama ang kaniyang pamilya: ang asawang si Joseph "Joe" Bonifacio na isang pastor, at dalawa nilang anak.

advertisement
18 of 43

Ciara Sotto

Kasama rin si Ciara Sotto sa naunang batch sa show. Gumanap siya bilang si Regina "Rain" Abrera.

19 of 43

Pole Dancing

Ipinagpatuloy pa rin ni Ciarra Sotto ang pag-arte at naging parte pa ng GMA Afternoon Prime series na 'Contessa'. Bukod dito, nag-aral at ngayon ay professional na pole dancer na rin si Ciarra.

20 of 43

Loving mom

Kinasal noong 2010 si Ciara Sotto sa businessman na si Jojo Oconer, ngunit naghiwalay rin kinalaunan. Ngayon ay loving mom siya sa kaniyang anak na lalaki.

advertisement
21 of 43

Sunshine Dizon

Si Sunshine Dizon ang isa sa mga second batch ng artista sa 'T.G.I.S.' at gumanap sa role ni Carla "Calai" Escalante.

22 of 43

Acting

Patuloy pa rin sa pag-arte si Sunshine Dizon at isa sa mga pinaka-memorable roles niya ay bilang si Pirena sa 'Encantadia'. Kailan lang ay napanood din siya sa isa pang action-fantasy series na 'Mga Lihim ni Urduja'.

23 of 43

Beautiful kids

Meron na ring dalawang beautiful kids si Sunshine Dizon.

advertisement
24 of 43

Polo Ravales

Isa rin sa mga second batch ng artista si Polo Ravales na gumanap bilang si Inocencio "Ice" Martinez. Nakapareha niya si Sunshine Dizon bilang si Calai.

25 of 43

Action series

Kasalukuyan pa ring umaarte si Polo Ravales at parte siya ngayon ng action drama series na 'Black Rider.'

26 of 43

Loving Family

Meron na ring loving family si Polo Ravales kasama ang asawa si Pau Quiza at dalawa nilang anak.

advertisement
27 of 43

Antoinette Taus

Naging parte rin ng 'T.G.I.S.' ng aktres na si Antoinette Taus. Ginampanan naman niya ang role na Bianca de Jesus.

28 of 43

Humanitarian

Lumabas pa sa ilang palikula at serye si Antoinette Taus bago sila magpunta sa U.S. Bumalik siya sa Pilipinas noong 2014 para ipagpatuloy ang kaniyang career. Sa ngayon ay abala siya sa mga humanitarian work.

29 of 43

Dino Guevarra

Naging parte rin ng 'T.G.I.S.' si Dino Guevarra bilang si David

advertisement
30 of 43

Family bonding

Napangasawa niya ang 'T.G.I.S.' co-star na si Kim delos Santos ngunit kalaunan ay naghiwalay din sila. Ngayon, abala si Dino Guebarra sa kaniyang mga anak at paminsan-minsan, ay lumalabas sa TV.

31 of 43

Kim delos Santos

Isa sa mga huling nakasama sa teen-oriented show ay ang dating aktres na si Kim delos Santos na gumanap bilang si Tere Gonzaga.

32 of 43

U.S. Nurse

Bumida pa sa ilang mga serye at pelikula si Kim delos Santos bago tuluyang iwan ang buhay showbiz. Matagal na siyang naninirahan sa Amerika at isa nang registered nurse at kasama ang kaniyang pamilya.

advertisement
33 of 43

Chubi del Rosario

Nakasama rin sa hit teen-oriented show si Chubi del Rosario na gumanap bilang si Reyster. Isa siya sa batch 3 ng artists na pumasok sa show.

34 of 43

Performer and entrepreneur

Nagma-manage na ngayon si Chubi ng isang entertainment group para sa mga party at event, at nagpe-perform din kasama nila. Isa na rin siyang Holistic Confidence Coach.

35 of 43

Chantal Umali

Nakilala si Chantal Umali sa isang commercial, bago naging parte ng 'T.G.I.S.' bilang si Happy.

advertisement
36 of 43

Yoga Instructor, wife, and mom

Isa na ngayong successful yoga insturctor, wife at mom si Chantal Umali.

37 of 43

Anne Curtis

Parte ng batch 3 ng artists si Anne Curtis na pumasok sa 'T.G.I.S.' kung saan naging kapareha niya si Chubi del Rosario.

38 of 43

Actress-TV host

Isa pa ring aktres, at ngayon ay TV host si Anne Curtis. Kasal na rin siya kay Erwan Heussaff at meron nang isang anak.

advertisement
39 of 43

Bobby Andrews

Si Bobby Andrews ang isa sa mga pinakaunang artist na nakasama sa teen-oriented show. Gumanap siya bilang si Joaquin "Wacks" Torres III.

40 of 43

Actor and family man

Patuloy pa rin sa pag-arte si Bobby Andrws at sa katunayan, parte siya ngayon ng hit Afternoon Prime series na 'Lilet Matias: Attorney-at-Law'.

41 of 43

Angelu de Leon

Kasabay ni Bobby Andrews ay si Angelu de Leon na naging ka-love team niya sa loob at sa labas ng 'T.G.I.S.' Ginampanan ng aktres ang role ni Maria Patrice "Peachy" Real.

advertisement
42 of 43

Acting career

Patuloy pa rin ang acting career ni Angelu de Leon na magiging isa sa cast members sa upcoming historical drama series na 'Pulang Araw'. Bukod pa rito, parte din siya ng Pasig City Council. Masaya rin ang family life ni Angelu kasama ang kaniyang asawa at mga anak.

Around GMA