'StarStruck' alumna Diva Montelaba, parte na ng isang talent agency sa US

Matapos lumipad sa Amerika two years ago, ipagpapatuloy na ng StarStruck alumna Diva Montelaba ang kaniyang career bilang isang aktres.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Diva na may isang buwan na mula nang pumirma siya ng kontrata sa The Wayne Agency sa US.
“I got signed by the amazing The Wayne Agency and I can't wait to explore a different world of my passion and craft,” pagbabahagi niya ng magandang balita.
Dagdag pa nito, “Bigger, challenging yet very exciting chapter indeed. I can't wait to hop on opportunities that would bring me to a different journey in my career.”
“I can't wait to share everything with y'all!” pagtatapos niya sa kaniyang post.
Sa hiwalay na post, ibinahagi naman ni Diva na nag-shoot na siya ng kauna-unahan niyang commercial sa U.S..
“Shot my very first commercial in the US! I'm grateful to have met and worked with an amazing team, amazing people!” pahayag niya.
Dagdag pa niya ay iniwan man niya ang Pilipinas pero hindi mawawala sa kaniya ang pagiging isang aktres at pagiging isang performer.
“I may have left the Philippine show business but I would never stop acting, performing; I am pursuing it here,” sabi niya.
Isa ang The Wayne Agency Inc sa mga top talent agencies sa Los Angeles. Tinutulungan nila ang mga aktor, models, writers, musikero at iba pang artists makakuha ng opportunities sa iba't-ibang sangay ng entertainment industry.
Samantala, may ilang taon na rin si Diva sa US at ini-enjoy ang buhay na malayo sa showbiz. Ngunit may mga pagkakataon na nakakasama at nakakatrabaho pa rin niya ang ilan sa mga Pinoy celebrities na nagsasagawa ng shows doon.
Noong nakaraang taon lang ay nakasama niya sa isang concert ang Prince of Teleserye Themesongs na si Bryan Termulo, at sa isa pang concert ay ang banda ng The Voice Generations coach ni Chito Miranada na Parokya ni Edgar.
Huling napanood si Diva noong 2019 sa afternoon at prime time series na Prima Donnas at Beautiful Justice.
Samantala, silipin ang buhay ni Diva malayo sa local showbiz sa gallery na ito:











