Actress Sue Prado died of cardiac arrest, according to her older sister, Guia Antonette “Annie” Mera.
Annie shared the details during Sue's wake last Friday, as reported by Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).
“Wala akong alam na iniinda niya. Pero alam naman natin, kapag sakit sa puso, napaka-traydor,” saad ni Annie. “Ito yung napaka-fatal siguro."
In an earlier Facebook post, their youngest sibling, May Shereen, confirmed that Sue passed away on April 14 at the age of 44.
“Sue brought light in anyone's path throughout her life. A life lived for others, for the craft she nourished and for those whom she loved most," saad ni May sa post.
Sue Prado was known for her performances in Philippine New Wave films, including the 2013 titles Oro and Barber's Tales, as well as various projects in film, television, and theater.
She also appeared in GMA shows such as Bolera, Prinsesa ng City Jail, and Abot-Kamay na Pangarap, along with films like Balota, Kantil, Your Mother's Son, and Manila Skies, among others.
According to a report by PEP.ph, Annie shared that Sue had previously expressed her wish not to have a grand ceremony upon her passing.
“Sa mga kuwentuhan naming magkakapatid, may mga bilin na siya—na wala nang seremonyas, wala nang eulogy. Kung pwede lata ng biscuit, lata ng ano, doon na lang, mga ganun. Ayaw na nga niyang ipaalam — diretsong cremation, diretsong libing," Annie shared.
She also noted that Sue only told entertainment personality Neil Daza about her request for the “pinakamurang urn.”
Sue will be laid to rest beside her father at Loyola Marikina on Tuesday, according to Annie.
Here are some of the celebrities who paid tributes to Sue:
“Rest in peace, ate Sue,” mensahe ni Jak Roberto sa late actress na si Sue Prado.
Naging co-stars ang dalawa sa 'My Father's Wife,' kung saan gumanap si Sue bilang ina ng karakter ni Jak sa My Father's Wife.
Nagbigay-pugay kay Sue Prado ang phenomenal Kapuso singer na si Jong Madaliday. Nakatrabaho niya ang aktres sa 'Magpakailanman,' kung saan na-feature ang kwento ng kanyang buhay.
Sulat ni Jong sa kanyang post para kay Sue, “Rest in peace, Ms. Sue Prado. Isang karangalan po na makatrabaho ko po kayo.”
Sa isang post, inilarawan at inalala ng OPM legend na si Ely Buendia ang naging malaking ambag ni Sue Prado sa film industry. “I am shocked and saddened at Sue Prado's passing. I've had the pleasure of working with her… I saw her passion and generosity shine through. The film community has just lost an amazing actress and a beautiful human being.”
Isang post ang inilaan ng Cinemalaya at Cultural Center of the Philippines para kay Sue Prado, ang isa sa mga mahuhusay na aktres sa bansa.
Nagpaabot ng kaniyang pakikiramay ang aktres na si Mercedes Cabral para sa yumaong kaibigang si Sue Prado.
Sa isang social media post, ibinahagi ni Mercedes ang larawan nila ni Sue na may maikling ngunit madamdaming caption na, “araw araw. lagi lagi toots,” bilang pagpupugay sa malalim na legasiyang iniwan ng aktres sa larangan ng sining.
Hindi rin napigilang maging emosyonal ng beteranong aktres na si Ruby Ruiz sa kaniyang huling mensahe para sa yumaong kaibigan: “Lagi mo 'kong sinusurprise Sue M. Prado.... I love you... travel peacefully," ani Ruby.
Binigyang-pugay ng direktor na si Kip Oebanda ang malalim na samahan nila ni Sue Prado sa pamamagitan ng isang liham na puno ng pagmamahal at pasasalamat.
“'You summarized everything I believe about life,' you told me after this line reading,” sulat ni Kip sa kanyang caption.
Sa kanyang mensahe, inilarawan niya ang aktres bilang kanyang “moral compass” at isang tapat na kaibigan na itinuring na niyang kapamilya.
“How it's never predictable. You were not just an actress to me, you were one of the most principled, sincere, passionate and loving people I have ever known and in this industry this is rare. You were like family to me. Until I breathe my last breath, I will miss you, Sue,” ani Kip.
Nagpahayag din ng matinding gulat at lungkot ang aktor na si Kiko Matos sa biglaang pagpanaw ng kaniyang malapit na kaibigan.
Sa kaniyang maikling mensahe, pinasalamatan niya ang aktres sa pagiging liwanag at sa kakayahan nitong magbigay ng saya sa kabila ng anumang bigat na pinagdadaanan.
“Sue, hindi ako makapinawala na wala ka na. Isa ka sa mga taong may taglay na liwanag na kahit anong kadiliman o bigat na pinagdadaanan ay kaya mong pagaanin at pasiyahin,” sabi ni Kiko.
“Salamat sa pagkatao mo Sue M. Prado. Hinding hindi kita malilimutan,” dagdag pa niya.