Sue Ramirez, taos-puso ang pasasalamat sa mga taong nag-donate ng dugo para sa kaniyang ina

Naibsan kahit papaano ang hirap na pinagdadaanan nang pamilya ng TV-movie actress na si Sue Ramirez dahil sa medical condition ng kaniyang ina na si Concepcion Garina.
Ipinaalam sa publiko ni Sue na kailangan dumaan sa isang open heart surgery ng kaniyang ina ngayong Miyerkules, January 7 at nangangailangan ito ng blood donation.
Marami naman sumagot sa saklolo ng pamilya Ramirez at sa post ng aktres ay nagpasalamat ito sa mga taong na nag-donate.
Humiling din ito sa kaniyang Instagram followers na ipagdasal ang fast-recovery ng kaniyang ina matapos sumailalim sa operasyon.
Ani Sue, “We humbly ask for your prayers for our mom's successful surgery tomorrow morning (January 7).
“Words cannot fully express how grateful we are to everyone who offered and donated blood for her. Your generosity and love mean more to us than you know.”
“May you be blessed abundantly, and may the kindness you have shown our family return to you tenfold. Thank you for the bottom of our hearts.”
Source: sueannadoodles (IG)
RELATED CONTENT: These Filipino celebrities are diagnosed with rare medical conditions





























