Sunshine Cruz, happy that she's on good terms with Cesar Montano and his current partner

GMA Logo sunshine and cesar montano with their children
Image Source: sunshinecruz718 (IG)

Photo Inside Page


Photos

sunshine and cesar montano with their children



Naging masalimuot man ang kanilang married life, naka-move on na si Sunshine Cruz sa mga pinagdaanan nila noon ng dating asawang si Cesar Montano alang-alang sa kanilang tatlong anak na sina Angelina, Sam, at Chesca.

Sa katunayan, kaibigan pa ng 47-year-old actress ang kinakasama ni Buboy na si Kath Angeles, kung saan may tatlong anak din ang 'Jose Rizal' actor.

Sa Instagram account ni Sunshine, lagi niyang ipinopost ang mga litrato ng kanilang bonding moments kasama si Cesar, ang bagong pamilya nito, at si Diego Loyzaga na anak ni Buboy kay Teresa Loyzaga.

Ani Sunshine sa panayam ni Boy Abunda sa 'Fast Talk with Boy Abunda' sa episode ng show noong Huwebes, October 24, "No'ng first time na nilabas ni Cesar yung mga bata after the Covid, nakita ko how happy the kids are so ipagkakait mo ba yun sa mga bata? Bakit 'di ako magiging masaya? Nakikita ko ang kaligayahan ng mga anak ko so do'n nag-start lahat and, sabi ko nga, may kanya-kanyang buhay na kami. Cesar is happy, I am happy. Okay na kami. Bakit 'di kami magkakasundo, especially kung para naman sa mga bata?"

Kung hindi raw sila naghiwalay ni Cesar, 24 years na silang kasal nito.

Dugtong ni Sunshine, "But we're okay, we're good friends. I'm good friends with Kath. I love kath, napakabait na tao na na mahal na mahal din ang mga anak ko. So ang saya lang, ang sarap sa pakiramdam ng mga nangyayari."

Bukas ba ang puso ni Sunshine na magmahal muli?

Sagot niya, "Magkaroon man ng someone na nandiyan sa 'kin o hindi, it's something na I really don't want to talk about in public anymore, so ang importante sa 'kin is approval ng mga anak ko at kung may respeto at kung ang mga anak ko ay okay do'n sa lalaki, then yun ang mahalaga."

Kung magkakaroon man daw siya ng bagong iibigin, pipiliin niyang maging low key ng kanilang relasyon.

Dagdgag ni Sunshine, "Sa akin, ang hirap lang ma-involve ng public kasi mapaglalaruan so kung maaari kung meron akong dine-date o ide-date, what you see is what you get na lang. Kung makita n'yo kami, e 'di okay. Kung hindi, okay. Pero para i-share pa ulit sa social media or sa public, especially kung yung lalaki 'di naman taga showbiz, 'wag na lang."

Tingnan ang inspiring modern family setup nina Sunshine at Cesar sa gallery na ito.


New Year 2023
Sunshine and Cesar's firstborn
Angelina's 23rd birthday
Modern family
Family mealtime
Siblings
Sam's 20th birthday

Around GMA

Around GMA

Rollback in pump prices seen Christmas week
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories