Sunshine Garcia, sa tirada ni Alvin Aragon kay Alex Castro: 'Huwag na natin patulan'

Tumangging magbigay ng komento si Sunshine Garcia sa naging tirada ni Alvin Aragon tungkol sa asawa niyang si Bulacan Vice Governor Alex Castro.
Sa isang panayam kamakailan, inihayag ng dating StarStruck Avenger na si Alvin kung bakit niya pinayagan ang kanyang asawa na si Izzy Trazona na maging bahagi ng rAWnd 4 ng reunion concert ng SexBomb Dancers na Get Get Aww!
Sa naturang show noong February 4, naging surprise guest ng grupo ang co-member nilang si Izzy, na dapat ay manonod lang ng concert. Bagamat hindi sumayaw, nasakama naman niya ang kapwa SexBomb Dancers sa pagkanta ng theme song ng kanilang hit series na Daisy Siete.
Kaugnay nito, nag-react si Alvin sa pagkukumpara ng fans sa kanya at sa asawa ni Sunshine na si Alex, na buo ang suporta sa pagkakasali ng asawa sa naturang concert series.
Sabi Alvin, “Sinasabi nila, 'Buti pa yung asawa ni Sunshine, vice governor, pinayagan sila mag-concert.
“Dapat nga hindi, e. Dapat nga, yung asawa mo, ingatan mo. Hindi mo hahayaang magsuot ng mga damit na para pagnasaan ng mga lalaki."
Nagkaroon ng pagkakataon ang GMANetwork.com at ilang piling entertainment media na tanungin si Sunshine tungkol dito sa Chinese New Year celebration ng Beautederm nitong Martes, February 17, sa Angeles City, Pampanga.
Ngunit tumangging magbigay ng komento ang dancer-actress.
Katuwiran niya, “Ayoko nang mag-comment kasi sabi nga ng asawa ko, huwag na natin patulan. Maraming dapat asikasuhin, problemahin, solusyonan, na hindi naman kailangan. Ibigay na natin sa kanila yun. Kung sinabi nila yun, kumbaga, personal na opinion. Wala tayong magagawa dun. Kumabga, mag-respetuhan nilang tayo.”
Patuloy pa niya, “Ayoko din magsalita na hindi maganda kasi ayokong makasakit ng ibang tao. So siyempre, ibigay opinion niya, ibigay opinion po. Para mawala na lang yung issue kasi kawawa din yung pamilya nila. May may bata, nandiyan si Izzy.”
Related gallery: Izzy Trazona, emosyonal sa SexBomb reunion concert: 'Na-miss ko po sila'
Sa kabilang banda, nagpapasalamat si Sunshine at may mga taong nagtatanggol sa kanila ng kanyang asawang si Alex.
Aniya, “Yun naman ang pinagpapasalamat naming. Kasi, parang hindi mo na kailangan talagang literal na magsalita, pero maiintindihan yung side nila. Kaya nga sabi ko, respetuhan tayo ng paniniwala kasi yan yung isa sa hindi natin dapat pagtalunan minsan—religion, pati yung sa politics—lalo na kung magkaiba kayo ng pananaw, magkaaway lang kayo.
“Pero dun sa mga taong nagtanggol sa amin, siyempre, nagpapasalamat kami na hindi pala namin kailangan na ipagtanggol yung sarili namin dahil meron.
“At mahirap din sa side nila, ha, yung naba-bash ka, mahirap ang na naba-bash. Kahit sabihin mong ayaw mo maapektuhan, maapektuhan at maapektuhan ka.”
Sa huli, nagbigay ng mensahe si Sunshine sa kasamahan niya sa SexBomb na si Izzy.
“Pag-pray namin kayo, yung buong pamilya. Yung totoo, yun naman din ang SB talaga na, siyempre, kailangan nilang-- Walang halong plastic, ha, kailangan nilang malagpasan 'to.
“After din nito, wala naman, e. 'Pag nagkita kami saan an, magyayakapan pa rin kami, magha-hi pa rin, magkakamustahan. Wala yung talagang sama na loob. Kasi, wala talaga kami pinag-awayan mawaya lahat, e. Nirerespeto namin kung ano yung naging desisyon niya o nilang mag-asawa, ng pamilya niya. Masaya kami para sa kanya.”
Samantala, tingnan dito ang pagbabalik-tanaw nina Sunshine at Rochelle Pangilinan sa samahan ng SexBomb Girls:









