Superhero, napapabayaan ang sariling anak sa 'Regal Studio Presents: Wonder Mommy'

Nakaka-touch ang mother-and-son story na hatid ng brand-new episode ng weekly anthology series Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Wonder Mommy," tungkol ito sa isang superhero na tila napapabayaan ang sarili niyang anak.
Isang karinderya owner at loving mother si Felicia (Chariz Solomon) na siya ring si Wonder Mommy, superhero na tagapagtanggol ng mga bata.
Dahil sa dami ng responsibilidad niya bilang superhero, lalayo ang loob ng anak niyang si Owen (Bryce Eusebio) sa kanya.
Paano mapapagsabay ni Felicia ang pagiging superhero at pagiging nanay ni Owen?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Wonder Mommy," February 2, 4:15 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari din itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






