advertisement
Celebrity Life

Taal relief: Celebrities na nagbigay tulong sa mga apektado ng Taal Volcano eruption

1 of 30

Derek Ramsay

Isa si Derek Ramsay sa celebrities na personal na naghatid ng kanyang tulong sa mga tinamaan ng pagsabog ng Taal.

2 of 30

Heart Evangelista

Si Heart Evangelista ay nakikipagtulungan naman sa PAWS para i-rescue ang mga hayop.

3 of 30

Alden Richards

Si Alden Richards at ang kanyang restaurant business na Concha's Garden Cafe ay magpapadala rin ng kanilang mga donasyon. Tumatanggap sila ng donasyon sa mga nais maghatid ng tulong sa ilang drop off points.

advertisement
4 of 30

Dingdong Dantes

Ibinahagi ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na tumatanggap ang kanilang organisasyon, ang Yes Pinoy Foundation, ng mga donasyon para sa mga evacuees.

5 of 30

Camille Prats

Si Camille Prats ay nag-post rin ng paglilikom nila ng mga donasyon mula sa mga nais magpadala ng tulong sa Balete, Batangas.

advertisement
7 of 30

Solenn Heussaff, Nico Bolzico, Erwan Heussaff and Anne Curtis

Ang pamilya nina Solenn Heussaff, Nico Bolzico, Erwan Heussaff, at Anne Curtis ay naghatid rin ng tulong para sa ating mga kababayang apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.

8 of 30

Matteo Guidicelli

Pinangunahan ni Matteo Guidicelli ang pagpapadala ng donasyon sa Sto. Tomas, Batangas, sa tulong ng kanyang mga kaibigan na sina Solenn Heussaff, Nico Bolzico, Erwan Heussaff, at Anne Curtis, pati na ang Philippine Army.

9 of 30

Gavin Kramer

advertisement
10 of 30

Nielsen Donato

Si Doc Nielson Donato ng 'Born To Be Wild' at ang kanyang anak ay bumisita sa Talisay, Batangas para tumulong sa mga na-rescue na mga hayop sa lugar.

11 of 30

Nadine Samonte

Si Nadine Samonte ay nakipagtulungan kay Jennica Uytingco sa pagpapadala ng kanilang donasyon sa Batangas.

12 of 30
advertisement
13 of 30

Jasmine Curtis-Smith

Si Jasmine Curtis-Smith ay nagpahayag rin ng kanyang suporta sa rescue mission ng mga aso at pusa.

15 of 30

Antoinette Taus

Si Antoinette Taus at ang kanyang organisasyon na CORA ay bumuo ng Taal Relief Operations sa Batangas.

advertisement
16 of 30

Neri Miranda

Si Neri Miranda ay bumuo ng team para magpadala ng pagkain sa evacuees.

17 of 30

Karla Estrada

Si Karla Estrada ay gumawa ng Bazaar for a Cause para sa tinamaan ng Taal Volcano eruption.

18 of 30

Angel Locsin

Isa rin si Angel Locsin sa mga artistang nagpadala ng kanyang tulong sa mga taga Batangas.

advertisement
19 of 30

Angeline Quinto

Sa Nasugbu, Batangas nagtungo ang singer na si Angeline Quinto para magbigay ng tulong.

20 of 30

Judy Ann Santos

Nagbigay naman ng donasyon na nakalagay sa reusable container si Judy Ann Santos. Ani ng aktres, "These reusable boxes will be sent to 35 families tom. Affected by the taal eruption.. because by using reusable boxes, instead of plastic bags ang paglagyan natin ng ating mga tulong sa mga kababayan natin .. sabay nating natutulungan mabawasan ang pagdagdag ng basura sa mga evacuation areas."

21 of 30

Vilma Santos-Recto

Maraming Batagueños ang nakatanggap rin ng tulong mula kay Batangas Representative Vilma Santos-Recto.

advertisement
22 of 30

Dave Chapelle

Pagkatapos ng kanyang two-night performance, nag-donate ng PhP 1 million ang American comedian na si Dave Chapelle sa Rayomar Outreach Foundation upang makatulong sa relief efforts sa Taal.

23 of 30

Saab Magalona

Sinabi ni Saab Magalona na siya ay nagpadala ng breast milk para sa mga baby evacuees. Isa umano ang breast milk sa mga pangangailangan ng tinamaan ng Taal eruption.

24 of 30

Vaness del Moral

Tumulong ang Kapuso actress na si Vaness del Moral sa GMA Kapuso Foundation's Operation Bayanihan.

advertisement
25 of 30

Kyle and Kleif Almeda

Naroon din sa Operation Bayanihan ang Almeda twins na sina Kyle at Kleif para sa mga pamilyang apektado sa San Luis, Batangas.

26 of 30

Rocco Nacino

Namigay rin ng relief goods sa Balayan, Batangas ang Kapuso actor na si Rocco Nacino kasama ang kanyang 'Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)' co-star na si Dingdong Dantes at ang YesPinoy Foundation.

LOOK: Dingdong Dantes at Rocco Nacino, nakibahagi sa relief operations sa Batangas

27 of 30

Benjamin Alves

Pumunta ng Bauan, Batangas ang Kapuso star na si Benjamin Alves para magpamigay ng relief packages kasama ang GMA Kapuso Foundation.

LOOK: Benjamin Alves, happy to help the victims of Taal eruption

advertisement
28 of 30

Willie Revillame

"Malasakit, pag-asa, at pagmamahal" naman ang nanaig sa 'Wowowin' sa kaarawan ng host nitong si Willie Revillame. Pinangunahan ni Kuya Wil ang pagpapaabot ng tulong para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

IN PHOTOS: 'Wowowin,' nagbigay-tulong sa Taal victims

29 of 30

Anthony Rosaldo

Pareho rin ang ginawa ng Kapuso singer na si Anthony Rosaldo dahil imbis na mag-party ay personal niyang binigyan ng relief goods ang mga kababayan natin sa Bauan, Batangas.

30 of 30

Bianca Umali

Nagbigay ng tulong si Bianca Umali sa pamamahagi ng mga learner's kit ng World Vision sa mga kabataang apektado ng Taal Volcano eruption ngayong Pebrero.

advertisement

Around GMA