Tagapagmana ng hardware, hindi marunong manligaw sa 'Regal Studio Presents: Love is Hard'

Para sa mga career-driven na tao ang bagong episode ng weekly anthology series na Regal Studio Presents.
Pinamagatang "Love is Hard," kuwento ito ng tagapagmana ng hardware store at ng isang babaeng nagpapatayo ng kanyang dream home.
Bibili ng materyales si Beverly sa hardware nina Richmond na agad ma-i-in love sa lively at bubbly personality nito.
Dahil naging busy sa pag-aaral at sa negosyo si Richmond, wala itong alam sa pagporma sa mga babae.
Galing din siya sa Chinese family kaya ine-expect ng nanay niyang Chinese din ang mapapangasawa ni Richmond.
Sa kabila nito, susubukan pa rin ni Richmond na manligaw kay Beverly. Magtatagumpay ba siya o heartbreak din ang hatid ng first love niya?
Huwag palampasin ang brand-new episode na "Love is Hard," March 29, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.
Silipin ang mga eksena ng episode sa gallery na ito:






