Magpakailanman

Talambuhay ng nanay ni Herlene Budol, tampok sa 'Magpakailanman'

GMA Logo Ang Tanging Ina ni Herlene

Photo Inside Page


Photos

Ang Tanging Ina ni Herlene



Makulay na talambuhay ng isang ina ang tampok sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Matutunghayan ang kuwento ng nanay ng Kapuso comedienne Herlene Budol na si Mommy Lhen sa episode na pinamagatang "Ang Tanging Ina ni Herlene."

Mahilig din sumali sa pageants si Lhen pero lagi siyang talo.

Ilang beses din siyang umibig pero bigo rin sa mga lalaking pinagkatiwalaan niya.

Masisira din ang relasyon niya kay Herlene at iba pa niyang mga anak nang iwan niya ang mga ito para magtrabaho.

Paano makakabawi si Lhen kay Herlene at sa mga kapatid nito?

Abangan ang brand-new episode na "Ang Tanging Ina ni Herlene," March 21, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.

I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.

Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.


Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Herlene Budol
Mommy Lhen
Jay Arcilla
Kimson Tan
Juancho Trivino
Rehearse
Ang Tanging Ina ni Herlene

Around GMA

Around GMA

NBA: Thunder thump hapless Nets for 10th straight victory
Brgy exec shot dead in Nueva Ecija
Roofing materials at food packs, hatid ng GMAKF sa mga binagyo sa Brgy. Pagsangahan | 24 Oras