Magpakailanman

Taong napariwara, naituwid ang buhay dahil sa basketball sa 'Magpakailanman'

GMA Logo Most Beautiful Player

Photo Inside Page


Photos

Most Beautiful Player



Tungkol sa pagbabagong dala ng sports and bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Sa episode na pinamagatang "Most Beautiful Player," malaki ang pagbabagong dala ng basketball sa buhay ni Dido.

Lasenggo at abusive ang tatay ni Dido na si Dondon. Hindi tanggap ni Dondon si Dido dahil bakla ito.

Dahil uhaw sa pagmamahal ng pamilya, lalo at iniwan sila ng kanyang ina, magrerebelde si Dido.

Makakabalik siya sa tamang landas dahil mahihilig siya sa basketball.

Kahit gaano pa siya kagaling, nananatiling masyadong macho ang kultura sa basketball kaya nakakaranas si Dido ng diskriminasyon.

Mahahanap ba ni Dido ang inaasam niyang pagtanggap sa basketball?

Abangan ang brand-new episode na "Most Beautiful Player," January 31, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Mike Tan
Tetay
Andre Paras
Basketball
Support
Acceptance
Most Beautiful Player

Around GMA

Around GMA

French museum reports theft of arty banana
Marian Rivera, Max Collins, Kris Bernal, more stars shine at grand launch of luxury home scent brand
Farm to Table: (May 31, 2026) LIVE