Tatlong magkakapatid, iisa ang boyfriend sa 'Magpakailanman'

GMA Logo 3 Sisters, 1 Lover

Photo Inside Page


Photos

3 Sisters, 1 Lover



Isang kakaibang sirkumstansiya ang magbubuklod sa isang grupo ng magkakapatid sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Magkakahiwalay na lumaki sina Chicha, Rhea, at Lelet dahil sa problema ng kanilang pamilya.

Dahil magkakalayo, hindi nila mamamalayang iibig sila sa iisang lalaki.

Magiging boyfriend ni Chicha si George pero dahil masyado pa silang immature nang magsimula ang kanilang relasyon, magbe-break din ang dalawa.

Makikilala ni George si Rhea at magsasama sila sa iisang bubong. Pero dahil iresponsable si George at lulong sa bilyar, magkakahiwalay din sila.

Ang bunsong kapatid na si Lelet ang kasalukuyang girlfriend ni George.

Nang malaman ng mga nakatatandang kapatid nito ang tungkol sa kanilang relasyon, tututol ang mga ito dahil ayaw nilang mabiktima rin ni George si Lelet.

Mapapatunayan ba ni George na tunay ang kanyang pagmamahal? Matatanggap ba ng magkakapatid si George?

Abangan ang brand-new episode na "3 Sisters, 1 Lover," May 17, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Kelvin Miranda
Arra San Agustin
Liezel Lopez
Thea Tolentino
Leandro Baldemor
Protective
3 Sisters, 1 Lover

Around GMA

Around GMA

Rising P-pop group 1st.One to hold Asia Tour in 2026
Complete list of winners at the MMFF Gabi ng Parangal
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers