Tatlong pasaway, magtatrabaho sa ukay-ukay sa 'Regal Studio Presents: Mannequin Love'

GMA Logo Mannequin Love

Photo Inside Page


Photos

Mannequin Love



Tayo na sa ukay-ukay sa bagong episode ng weekend anthology series na 'Regal Studio Presents.'

Sa episode na "Mannequin Love," magtatrabaho sina Gus (Antonio Vinzon), Daryl (Aidan Veneracion), at Jay (John Clifford) sa isang ukay-ukay bilang parusa ng kanilang mga magulang sa pagiging pasaway.

Bilin sa kanila ng may-ari ng ukay-ukay na huwag gagalawin si Mimi (Mika Reins), ang mannequin na siya ring lucky charm ng tindahan.

Pero ikagugulat ni Gus nang bigla siyang kindatan ni Mimi! Nang ikuwento niya ito kina Daryl at Jay, hindi maniniwala ang mga ito sa kaibigan.

Ano nga ba ang misteryong bumabalot sa mannequin na si Mimi?

Abangan ang brand new episode na "Mannequin Love," January 7, 4:15 p.m. sa 'Regal Studio Presents.'

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com/KapusoStream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Mika Reins
Aidan Veneracion
Antonio Vinzon
John Clifford
Ukay-ukay
Alive
Mannequin Love

Around GMA

Around GMA

Ada slows down as 4 Bicol areas under Signal No. 2
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting