Teresa Loyzaga, sinisi ang sarili sa pagkalulong noon ng anak na si Diego Loyzaga

GMA Logo Teresa Loyzaga puts Diego Loyzaga in rehab
Source: diegoloyzaga (Instagram)

Photo Inside Page


Photos

Teresa Loyzaga puts Diego Loyzaga in rehab



“I put him to rehab.”

Ito ang naging rebelasyon ng batikang aktres na si Teresa Loyzaga kamakailan sa Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa kaniyang anak na si Diego Loyzaga.

Matatandaan na inamin na noon ni Diego sa batikang TV host na si Boy Abunda na pumasok siya sa rehab dahil sa matinding depression.

Hindi na ibinigay noon ni Diego ang detalye sa pagpasok niya sa rehab pero nang makapanayam naman ni Boy si Teresa, inamin nito na siya mismo ang nagpasok sa kaniyang anak sa rehabilitation center.

“Sinisi mo ba ang sarili mo?” tanong ni Boy kay Teresa.

“Oo,” sagot nito.

Paliwanag niya, “Kasi nga… I wasn't always there. Even if I tried to always be there, I just couldn't. Somebody had to work, somebody had to put food on the table, somebody had to put a roof over their heads, somebody had to put them to school.

“And please, I'm not saying this na, I'm degrading other people. No. Wala akong inaa-- puntiryang mga wala doon. 'Yun ang sitwasyon namin, so I dealt with it… the best way I could.

“Tong, nung narinig mo na nasa loob ng rehab, si Diego, what did you do?” tanong muli ng batikang TV host sa kaibigang aktres.

Tugon ni Teresa, “Boy, to be honest? Look, my son was here and… I did ask him. I'm gonna be speaking about it with his permission. I think what the people do not know is… I put him to rehab.”

“I put him to rehab. There was a part of me that died...but I wanted my son to live. So I had to put him to rehab,” emosyonal na si ni Teresa.

Kuwento pa ni Teresa, nagalit sa kaniya noon si Diego dahil sa kaniyang naging desisyon. Pero para para sa kaniya, epekto lamang ito ng gamot sa kaniyang anak.

Aniya, “We have to understand na 'yung mga mahal natin sa buhay kapagka nalulong sa droga, 'pag kinausap mo sila at binabastos ka nila, hindi sila 'yun. 'Yun 'yung-- gamot 'yun, e. 'Yun 'yon. Noong nawala lahat 'yon… bumalik 'yung anak ko. Then, naintindihan n'ya.”

Ayon pa kay Teresa, matagal din silang hindi nagkita ni Diego, pero ang hindi alam ng aktor ay bumibisita siya rito nang patago.

“Alam mo ang tagal namin 'di nagkita. Pero ang-- ang hindi rin n'ya alam is bumibisita ako parati sa kanya, kahit na bawal kami magkita.

“That was part of his 'punishment' for him to learn, to appreciate home, family. Hindi kami nagkita. Pero 'pag bumibisita ako dun, minsan, pader lang 'yung pagitan namin, nand'yan s'ya sa kabila. Hindi n'ya alam. Pero napapanood ko s'ya sa isang maliit na monitor, kung nasaan s'ya sa loob, 'pag kumakain s'ya, nagpapadala ako ng pagkain,” ani Teresa.

Dagdag pa niya, “There was one time, tarpaulin lang ang pagitan namin,may butas 'yung tarpaulin. Sabi sa 'kin, 'You have to promise, tatahimik ka, ha? Hindi ka magpaparamdam.' Sabi ko, 'Promise, gusto ko lang talagang makalapit.' Pagitan lang namin tarpaulin, nakasilip lang ako sa butas, para makita ko lang 'yung anak ko. Ang hirap.”

Paglalahad pa ni Teresa, dasal ang nakatulong sa kaniya at kay Diego upang malagpasan ang pagsubok na ito sa kanilang pamilya.

Aniya, “And you know what? Prayers, prayers, prayers, and never ending prayers, and pasasalamat talaga. Dun ako kumapit. Grabe. Kung wala 'yun, baka ako din nasa loob. And there are days, iniisip ko, kailangan ko rin 'ata pumasok. Para matuto din. Hay, ang hirap.

“Pero, look! There is so much to be… thankful for, you know? Every day, yes, you learn something. Every day is a struggle, but there's also a reason to be thankful and rejoice, to celebrate, you know? and be grateful! It's a new life.”

Sa ngayon, mabuti na raw ang lagay ni Diego na ngayon ay isa na ring ama. Sa katunayan, nag-e-enjoy din si Teresa sa pagiging lola o glam-ma sa kaniyang apo.

Si Diego ay anak ni Teresa batikang action star na si Cesar Montano.

Bagamat nagkaroon siya ng ilang issues sa kanyang personal na buhay, sinusubukan pa rin ni Diego na maging isang mabuting tao at mabuting ama para sa kanyang anak na si Hailey. Balikan ang kanyang makabuluhang "promise" para sa kanyang anak sa gallery na ito:


Diego Loyzaga on Fast Talk 
Daddy Diego
Diego and Hailey
Loving father
All for Hailey
Responsible
Cesar Montano
Rehab
Message to Hailey
Mistakes
Unbothered
Changed person

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve