Ang "Terra and Ec'naad celebratory hug" ay ang latest na kinaaliwan ng mga sumusubaybay sa hit primetime series na 'Encantadia Chronicles: Sang'gre.'
Si Terra at Ec'naad ay ginagampanan nina Bianca Umali at Justin de Dios ng SB19.
Sa episode na ito nakumbinsi nina Terra at Ec'naad si Harahen (Diana Zubiri) na magbalik sa brilyante ng lupa. Dahil sa kanilang tagumpay ay nag-celebratory hug sina Terra at Ec'naad.
Narito ang ilan sa mga memes na ginawa Sang'gre fans:
Saad ng Kapuso Asianovelas, "So, kapag nepo-Sang'gre hindi na need pumila? Abah! Sang'gre Terra, mahaba ang pila sa likod!! Pashnea!! AHAHAHAHHAHAHAHA"
Sa meme na ito ipinakita sina Terra at Ec'naad. sa dinami-daming Sanggre, Ec'naad nandyan naman si Deia at Flamarra pwede rin si Adamus, bakit si Terra pa magtutuos tayo pagbalik mo sa Devas
"Malala Na " ang naging caption sa meme ni Qüīnn Sky III.
May reaksyon naman ang mga naunahan ni Terra. "JUSMIYO ANO TOOO???!!! PARANG KAHAPON LANG HALOS MAGPATÂYÅN TONG DALAWANG TO AH? HAHAHAHA pambihirang buhay to naunahan pa tayo ni terra"
"Ruru Madrid, ayos lang daw at hindi nagseselos kung magtatambal si Terra at Ec'naad bastat sa kanya raw ang MAHALIMA"
Paalala naman para kina Ec'naad at Terra ang nilagay sa caption ng meme. "Ec'naad at Terra hanggang yakap lang ha, wag niyo lang subukan na pagdikitin ang mga palad niyo. Siguradong magbubunga yan! "