Matapos mag-post ni Pulang Araw star Angelu De Leon ng throwback picture nila ng co-stars sa teen-oriented '90s show na T.G.I.S. para sa 29th anniversary ng kanilang show, nagkaroon naman sila ng isang mini-reunion para ipagdiwang ang kanilang “29 years of friendship".
Nag-post ng ilang litrato si Angelu sa kaniyang Instagram post kung saan makikitang kasama niya sina Bobby Andrews, Ciara Sotto, at Michael John Flores.
Kasama rin nila ang writer ng serye na si Kit Villanueva Zapata at ang dating direktor nila sa teen-oriented show na si Mark Reyes. Naroon din ang asawa ni Kit at direktor ng Pulang Araw na si Direk Dominic Zapata.
Sa caption, binati ni Angelu ang kaniyang co-stars ng “Happy Anniversary.”
“Happy Anniversary guys! Group Hug! Thank you for the surprise cake," sulat niya.
Sinabi rin niyang na-miss nila ang iba pa nilang kasamahan sa serye na sina Rica Peralejo, Bernadette Allyson, Red Sternberg, Raven Villanueva, at Onemig Bondoc.
Tingnan sa gallery na ito ang masayang reunion ng ilan sa cast ng T.G.I.S.:
Nagkaroon ng mini reunion ang cast ng teen-oriented TV show na T.G.I.S. kamakailan. Kasama rin nila ang dati nilang direktor na si Mark Reyes, at asawa ni Kit na si Direk Dominic Zapata.
Noong August 12 ay ipinagdiwang nila ang ika-29th year ng show, na unang umere sa GMA Network noong 1995. Natapos naman ito noong November 27, 1999.
Kasabay ng kanilang lunch date ay ang pag-catch-up nila sa pinagkakaabalahan ng bawat isa.
Ano ang selebrasyon nila kung walang cake? Kaya naman thankful si Angelu sa pa-surprise cake sa kanila.
Kitang-kita sa candid photo kung gaano kasaya at kakumportable ang dating cast ng T.G.I.S. sa isa't isa.
Tila nag-enjoy si Peachy sa kaniyang slice ng strawberry cake.
Si Angelu, Bobby, at Michael ang ilan sa mga OG o orihinal na cast ng kanilang teen-oriented show. Kasama nila si Ciara bilang isa sa mga OG cast members.
Kitang-kita ang saya ng cast, mga direktor at writer ng show na naipagdiwang nila ang 29th anniversary ng T.G.I.S. Sa 30th kaya ay makumpleto na sila?