advertisement
Showbiz News

The biggest showbiz controversies of 2016

1 of 13

Sunshine Dizon and Timothy Tan

Nagulat ang lahat sa rebelasyon ni Sunshine Dizon na ang kaniyang husband of six years na si Timothy Tan ay may ibang babae.

2 of 13

Sunshine Dizon

Ika nga nila, 'Hell hath no fury like a woman scorned,' kaya't nagsampa ng kaso si Sunshine sa kaniyang asawa at diumanoy kerida upang makamit ang hustisyang nais niya.

3 of 13

Rhian Ramos

Sa isang madamdaming Instagram post, inamin ni Rhian Ramos na siya raw ay naging biktima ng sexual harassment sa isang club. Pinalakpakan siya ng mga netizens sa kaniyang pag-amin at nagbukas ito ng diskurso ukol sa mga pambabastos na kinakaharap ng mga pangkaraniwang babae.

advertisement
4 of 13

Ping Medina

Umani ng higit 50,000 shares ang post ni Ping Medina sa Facebook nang isalaysay niya ang pambabastos na ginawa umano ng co-star niyang si Baron Geisler.

5 of 13

Baron Geisler

Hindi lang ito ang isyung kinasangkutan ng tinaguriang 'bad boy' na si Baron.

6 of 13

Kiko Matos

Isa sa mga isyung ito ay ang suntukan ni Baron at ang indie actor na si Kiko Matos. Ibinunyag kamakailang lang na parte pala ang away nila ng isang dokyumentaryong pinamagatang 'Project Beastmode.'

advertisement
7 of 13

Andie Eigenmann

Nabunyag din ngayong taon na si Jake Ejercito ang tunay na ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie.

8 of 13

Imelda Schweighart

Nag-resign bilang Miss Earth Philippines 2016 si Imelda Schweighart dahil sa pamba-bash na kaniyang natanggap mula sa mga netizens. Umani siya ng mga haters matapos niyang magbitaw ng ilang kontrobersyal na statements.

9 of 13

Metro Manila Film Festival 2016

Usap-usapan din ang mga kalahok na pelikula sa taunang Metro Manila Film Festival o MMFF dahil karamihan sa tema ng mga films na kasali ngayong taon ay kaiba o hindi nakasanayan ng marami.

advertisement
10 of 13

Gab Valenciano and Tricia Centenera

Isa pang balita ukol sa away mag-asawa ang pumutok nang mag-post sa Twitter si Tricia Centenera, asawa ni Gab Valenciano, na may patama umano sa mga 'cheaters.'

11 of 13

Mocha Uson

Maingay ang pangalan ng performer na si Mocha Uson buong taon dahil sa kaniyang political views at opinions.

12 of 13

Cesar Montano

Pinalakpakan ng mga lalaking netizens si Cesar Montano nang magbiro ang Japanese adult film actress na si Maria Ozawa na nakipag-one night stand daw ito sa aktor.

advertisement

Around GMA