advertisement
Celebrity Life

The cutest and loveliest Korean and Filipino celebrity interactions

1 of 24

Kristel Fulgar and Seo In Guk

Isa ang aktres at vlogger na si Kristel Fulfgar sa masuwerteng fan girl na kinagigiliwan ng marami online.

Bukod sa kanyang mga naunang achievement bilang Pinay fan, si Kristel sana ang magiging host ng first fan meeting ng Korean actor Seo In-guk sa Manila nitong August 2023 pero hindi ito natuloy. Gayunpaman, nagkaroon pa rin ng moment si Kristel kasama si In-guk na ibinahagi niya sa kanyang social media accounts.

2 of 24

Liza Soberano and Ji Chang wook

Habang patuloy ang kanyang pagtupad sa kanyang dream international career, madalas na ring makasama ni Liza Soberano ang ilang international stars gaya ng Korean actor na si Ji Chang wook. Nagkasama sina Liza at Chang-wook sa isang fashion event sa Singapore

3 of 24

Niana Guerrero and BTS' Jungkook

Pagdating sa masusuwerteng fans, hindi mawawala sa listahan na 'yan ang dancer at lifestyle content creator na si Niana Guerrero. Ang Korean superstar at BTS member na si Jungkook, ni-like lang naman ang dance video ni Niana habang isinasayaw ang “Seven (feat. Latto),” na solo music ng una. Bukod dito, isa na rin si Niana sa piling accounts na pina-follow ni Jungkook sa short-video streaming app na TikTok.

advertisement
4 of 24

Niana Guerrero and GOT7's Jay B

Bago pa ang viral encounter niya sa BTS member na si Jungkook, nakasama na rin ni Niana Guerrero noon ang lead vocalist naman ng K-pop boy band na GOT7 na si Jay B.

5 of 24

Andrea Brillantes and BLACKPINK's Rose 

Hindi lang isang beses na-encounter ng aktres na si Andrea Brillantes ang phenomenal K-pop girl group na BLACKPINK. Una ay noong mag-concert ang BLACKPINK sa Manila at mapansin ni Rose ang promposal ni Andrea sa kanyang ex-boyfriend na ngayon na si Ricci Rivero.

Ilang buwan matapos ang viral promposal, nag-live si Rose sa Instagram at napansin niya ang komento dito ni Andrea na, "MY FAVE MEMORY WAS WHEN YOU NOTICED ME FOR MY PROMPOSAL HAHAHAHAHAHA." Naalala naman ni Rose ang nasabing promposal pero nagulat siya nang sabihin ni Andrea na break na sila ngayon. Sagot ni Rose dito, “I'll pretend I didn't see that.”

6 of 24

Bela Padilla and Song Joong ki

Isang “sana all” moment din ang na-experience ng aktres na si Bela Padilla nang makita niya ng personal ang Korean superstar at Descendants of the Sun actor na si Song Joong-ki sa 2023 Cannes Film Festival

advertisement
7 of 24

Kim Chiu and TREASURE's Jihoon, Asahi, and Jaehyuk

Dream come true rin para sa It's Showtime host na si Kim Chiu ang makasama at maka-bonding ang ilang miyembro ng K-pop boy group na Treasure na sina Jihoon, Asahi, at Jaehyuk.

8 of 24

Brian Puspos and BTS Jungkook

Masayang-masaya ang Filipino-American choreographer na si Brian Puspos performed nang makasama niyang sumayaw on stage ang BTS member na si Jungkook. Nangyari ito nang i-perform ni Jungkook ang kanyang single na “Seven” sa isang concert series sa Amerika at si Brian ang isa sa mga nakasama niya doon.

9 of 24

Ariella Arida and Ji Chang wook 

Maging ang beauty queen-actress na si Ariella Arida na star-struck din sa Korean actor na si Ji Chang-wook nang magkita sila sa fan meeting ng foreign actor sa Manila noong November 2022.

advertisement
10 of 24

Liza Soberano and BLACKPINK

Bago pa niya makasama ang Korean Superstar na si Ji Chang-wook, una munang naka-bonding ni Liza Soberano sina Jennie at Lisa ng South Korean girl group na BLACKPINK.

11 of 24

Heart Evangelista and Song Hye kyo

Marami rin ang napa-”Wow” nang makita sa iisang larawan ang Filipina actress at fashion icon na si Heart Evangelista kasama ang South Korean actress na si Song Hye-kyo sa isang event ng luxury jewelry brand Chaumet sa Paris.

12 of 24

Manny and Jinkee Pacquiao meet Sandara Park

Certified “couple goals” din ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao nang sabay nilan makita ang Korean star na si Sandara Park nang magbkasyon sila sa South Korea noong October 2022.

advertisement
13 of 24

Cassy Legaspi and Jessi

Tunay na isang maswerteng fan ang Kapuso star na si Cassy Legaspi matapos makapag-selfie kasama ang paborito niyang Korean-American rapstar na si Jessi! Personal na nakilala ng aktres ang Korean artist nang manood siya ng concert nito sa Maynila noong 2022.

14 of 24

Sharon Cuneta and SHINee's Taemin

Certified successful SHAWOL fan ang Megastar na si Sharon Cuneta nang makapag-picture siya kasama ang SHINee member na si Taemin!

15 of 24

Running Man PH x SK

Labis na ikinatuwa ng netizens ang pagkikita ng cast ng Running Man Philippines at ng OG team mula sa South Korea! Todo ang ngiti ng runners nang magtagpo sila sa backstage ng "Run2U in Manila" event. Mas ikinatuwa pa ng fans nang mapanood sa isang episode ng Running Man Philippines Season 2 ang espesyal na pagbisita ng Korean runner na si Haha!

advertisement
16 of 24

G22 and Sandara Park

Dream come true para sa P-pop Female Alphas na G22 na makasama sa iisang stage ang K-pop icon na si Sandara Park! Sa Acer Day 2024 event, nagsama sa entablado ang girls kasama ang Kings of P-pop na SB19.

17 of 24

Rocco Nacino

Sunod-sunod ang mga hindi malilimutang moments ni Rocco Nacino sa red carpet ng Busan International Film Festival (BIFF). Isa siya sa mga dumalo sa prestihiyosong event, kung saan nagkaroon siya ng pagkakataong makasalamuha ang ilan sa mga kilalang K-drama actors tulad nina Ji Chang-wook, Yoon Kyung-ho, Jung Jin-young, Park Bo-young, at Song Joong-ki.

18 of 24

BINI and ENHYPEN

Marami ang na-excite sa TikTok collab ng Nation's P-pop girl group na BINI at K-pop group na ENHYPEN! Hindi lang basta dance challenge ang pinagsaluhan ng dalawang grupo, nabigyan pa ng personal gifts ang BINI girls! Lalo na si Sheena, nakatanggap sila ng signed albums mula sa mismong members ng ENHYPEN.

advertisement
19 of 24

Benedict Cua

Hindi mapigilan ng Sparkle star na si Benedict Cua ang ma-starstruck sa K-drama heartthrob na si Lee Dong-wook! Sa kanilang pagkikita, inilarawan ni Benedict ang Korean actor na tila isang "Greek god" dahil sa kanyang youthful aura at mala-imortal na hitsura. Nakilala rin ni Benedict ang iba pang cast ng K-drama series na The Divorce Insurance.

20 of 24

Niana Guerrero and BLACKPINK LISA

“Prayer reveal!” ang hiling ng netizens matapos makasayaw ni Niana Guerrero ang BLACKPINK star na si LISA! Nagulat at natuwa ang online community sa meet-up ng dalawang dance icons na parehong kilala sa kanilang groovy moves.

21 of 24

Niana Guerrero and BTS J-Hope

Isang malaking “sana all!” nang makilala at makasayaw ni Niana Guerrero ang BTS star na si J-Hope! Nag-umpisa lang ang lahat sa simpleng pag-follow ng K-pop icon sa content creator, pero ikinagulat ng netizens nang nauwi ito sa isang memorable meet-up.

advertisement
22 of 24

Janice de Belen and Song Joong-ki

Tunay na successful fan si Janice de Belen nang mayakap at nakatanggap siya ng bulaklak mula sa K-drama heartthrob na si Song Joong-ki. "OMG! Tonight was a super, super amazing night! I really did not expect to be on the same stage [with] my crush! May bonus pang flowers at madaming yakap! He is my ultimate fave Korean actor!" sinulat niya sa Instagram.

23 of 24

Anne Curtis and Stray Kids' Felix

Double glamour at elegance ang dating nina It's Showtime host Anne Curtis at Stray Kids member Felix. Nagkita sila sa isang luxurious event ng isang eyewear brand sa South Korea.

24 of 24

Anne Curtis and aespa Karina

Hindi lang isa, kung hindi dalawang K-pop stars ang nakasama ni Anne Curtis sa kaparehong eyewear brand event. Masayang nag-picture ang It's Showtime host sa K-pop aespa star na si Karina.

advertisement

Around GMA