The exciting sneak peeks from 'The People Have Spoken' mediacon

Malapit nang magpasaya tuwing Sabado ang pinakabagong Pinoy game show ng GMA, ang The People Have Spoken!
Dito sa programa kung saan ang “POV mo, panalo”, humanda sa panibagong twist na kulitan at kuwentuhan kasama ang newest Kapuso tandem na sina Heart Evangelista at Sean Lucas.
Bago ang exciting premiere ng show sa June 6, nakasama muna ng mga host ang ilang press members sa isang thrilling media conference nitong Huwebes (May 28).
Bukod sa inside-scope interviews, firsthand ding naranasan ng media members ang masayang games ng bagong programa.
Dumalo rin sa event ang ilang GMA executives at heads, kabilang sina GMA Entertainment Group Officer-in-Charge and Vice President for Drama Cheryl Ching-Sy; GMA Entertainment Group Vice President for Comedy, Infotainment, Game, and Reality Productions, Janine Piad-Nacar; GMA Network Vice President for Musical, Variety, Specials; at Sparkle GMA Artist Center First Vice President Joy Marcelo.
Silipin ang fun-thrilling highlights ng The People Have Spoken mediacon, sa gallery na ito:








