The love story and sweetest moments of Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap

Isa sa mga maituturing na pinakamatatag na showbiz couples sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap.
Taong 2017 nang ikinasal sa Tagaytay ang celebrity couple at ngayong August 8 ay ipinagdiriwang nila ang kanilang 6th wedding anniversary.
Bago pa man sila nauwi sa kasalan at pagiging magulang ni Shiloh ay marami na rin silang pinagdaanan. Saksi ang kanilang mga tagasubaybay sa kanilang masasayang moments sa kanilang relasyon.
Narito ang ilang sweetest moments ng Kapuso couple na sina Rochelle at Arthur.













