IN PHOTOS: Meet the characters of 'Temptation of Wife'

Ang Temptation of Wife ay Philippine adaptation ng hit 2008 South Korean series na na may parehong pamagat.
Unang ipinalabas noong 2012, kuwento ito ng pag-ibig at paghihiganti ng isang babaeng pinagtaksilan ng kanyang asawa at matalalik na kaibigan.
Si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ay si Angeline, isang babaeng isasantabi ang lahat dahil sa pagmamahal niya sa asawang si Marcel, na gagampanan naman ni Dennis Trillo.
Lingid sa kaalaman ni Angeline, matagal na palang may sikretong relasyon ang asawa sa kanyang pinsan at matalik na kaibigang si Heidi, na gagampanan ni Glaiza de Castro.
Magtutulungan sina Marcel at Heidi para mawala na sa kanilang landas si Angeline.
Buti na lang, magku-krus ang landas ni Angeline at ni Nigel, na gagampanan ni Rafael Rosell.
Ito ang magiging katuwang niya sa pagbangon at paghihiganti kina Marcel at Heidi.
Huwag palampasin ang kapanapanabik na kuwento at mga bigating eksena ng Temptation of Wife, malapit nang magbalik sa GMA!














