Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition

The PBB journey of big winners Mika Salamanca and Brent Manalo

GMA Logo Brent Manalo and Mika Salamanca

Photo Inside Page


Photos

Brent Manalo and Mika Salamanca



Ang duo nina Mika Salamanca at Brent Manalo o BreKa ang itinanghal na Big Winners ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Ang BreKa ang nakakuha ng pinakamaraming boto na 33.03 percent ng total votes. Bilang Big Winner Duo, nakapag-uwi sina Brent at Mika ng PhP 1 million cash prize bawat isa.

Sa Big Night na ginanap sa New Frontier Theater noong Sabado, July 5, ipinarating ni Mika ang mensahe para sa lahat ng nagmahal at sumuporta sa kanila.

"Sa totoo lang po hindi ko alam ang sasabihin kasi hindi sapat ang salitang masaya at mahal ko kayo, at salamat po kasi hindi po 'yun mae-explain ng nararamdaman ko ngayon. Para sa inyo po lahat 'to, para sa pamilya ko, para sa mga nagmamahal, at para sa aming dalawa ni Brent," sabi ni Mika.

Pinasalamatan din ni Brent ang lahat, sabi niya, "Gusto ko lang po sabihin na basta puso 'yung panlaban, anything is possible. God is good. Thank you po."

Sa pagtatapos ng kanilang PBB journey, balikan ang mga naging karanasan ng BreKa sa loob ng Bahay ni Kuya sa gallery na ito:


Mika Salamanca, bakit pumasok sa PBB?
Brent Manalo sa pagpasok sa PBB
Mika, nakakuha ng red flag
2nd weekly task leaders
Immunity
Nominated
Golden seat
Final duo
Big Jump Challenge
BreKa is 'PBB Celebrity Collab's big winner

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat