Nagpakilig at nagpa-excite ang cast ng The Secrets of Hotel 88 sa naganap na red carpet media con ng serye noong Biyernes, February 6, na ginanap sa Dolphy Theater sa ABS-CBN Compound.
Present ang former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na bibida sa naturang multi-genre series, at ang direktor nilang si Direk Henry King Quitain.
Tingnan ang mga naganap sa red carpet at sa media con sa gallery na ito:
Present ang direktor na serye na si Direk Henry King Quitain sa naganap na media con sa Dolphy Theater.
Dashing naman si Will Ashley nang dumating siya sa kanilang media con.
Pumukaw ng atensyon ng mga miyembro ng media si Bianca De Vera.
Hindi rin nagpahuli ang stunning look ni Dustin Yu.
Present din sa media con si AZ Martinez na proud na ipinamalas ang kaniyang dress sa red carpet.
Angat din ang good looks ni Ralph de Leon nang lumakad siya sa red carpet.
Dumalo rin ang aktor na si River Joseph sa naganap na media con nitong Biyernes.
Wala man ang kaniyang katambal na si Klarisse De Guzman, present and beautiful naman si Esnyr sa pagdalo niya sa media con.
Tila girl boss naman si Xyriel Manabat sa kaniyang striped jacket and pants nang lumakad siya sa red carpet.
Naging kapansin-pansin din ang unique na style ng damit ni Josh Ford na lalong nagpalabas ng kaniyang kaguwapuhan sa red carpet.
Sexy and pretty naman si Kira Balinger na lumakad sa red carpet.
Magkasama naman sina Mika Salamanca at Brent Manalo na lumakad sa red carpet ng media con para sa The Secrets of Hotel 88.
Mapapanood ang The Secrets of Hotel 88 simula March 2 sa GMA Prime.