The strong, empowered women of GMA Drama

Noon, masasabing uliran ang isang babae kapag martir at matiisin. Ngunit sa pagbabago ng panahon, natuto ang mga kababaihan na ipaglaban ang kanilang karapatan, hindi lang para patunayan ang kanilang kakayahan, kundi para rin isulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian.
Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Women's Month, magbigay-pugay tayo sa mga natatanging karakter na minamahal ng mga manonood sa telebisyon dahil sa kanilang prinsipyo at paninindigan.
Ilan lamang diyan sina Isabella Gonzales, Adelle Gonzales, Ginalyn Malatamban, at Sensen Guipit na nagbibigay ng inspirasyon sa atin gabi-gabi.
Tuwing hapon naman, walang inuurungan sina Clarisse Santos-Almonte, Cedes Dela Cruz, Nolie Dela Cruz, Maggie Dela Cruz, Iris Salvador, at Christine Salvador.
Kilalanin sila sa gallery na ito:









