The unkabogable 'MagPOPsikat' highlights in 'It's Showtime'

It's giving P-pop craze noong Martes (December 2) sa second day ng "MagPASKOsikat" celebration ng fun noontime program It's Showtime!
Solid at bonggacious ang bawat performances ng ilan sa mga kilalang P-pop stars na BGYO, G22, WRIVE, DNA, KAIA, 1621, at VXON.
Hindi rin nagpahuli ang It's Showtime family na maghanda ng pasabog na special number. Kasama si Darren Espanto, ipinakilala ng noontime show ang kanilang sariling girl group na SWT16! Kabilang sa debut group ay sina Cianne Dominguez, Jackie Gonzaga, Kim Chiu, at Anne Curtis!
Bukod dito, tuloy pa rin ang blessings para sa madlang people sa “Laro,Laro, Pick.” Ang naglaro ngayong episode ay ang mga naging biktima ng mga nagdaang bagyo sa Catanduanes at Isabela.
Silipin ang highlights sa “MagPOPsikat” celebration sa gallery na ito.















