'The Voice' USA Season 26 grand champion Sofronio Vasquez, proud na nagsimula sa 'Tawag ng Tanghalan' ng 'It's Showtime'

GMA Logo It s Showtime hosts, Sofronio Vasquez
PHOTO COURTESY: It’s Showtime

Photo Inside Page


Photos

It s Showtime hosts, Sofronio Vasquez



Live via video call na nakausap ng It's Showtime family ang Filipino singer na si Sofronio Vasquez.

Si Sofronio ay nagwagi bilang grand champion sa reality singing competition na The Voice USA Season 26.

Ibinahagi ni Sofronio na proud siyang nagsimula sa singing competition ng noontime variety show na “Tawag ng Tanghalan,” kung saan umabot siya sa semifinals.

“Napaka-emotional po ng naging [panalo] ko kagabi. Proud po ako na nagsimula ako sa Tawag ng Tanghalan kasi Tawag ng Tanghalan at It's Showtime 'yung unang naniwala sa akin,” ani ng New York-based Filipino.

Ikinuwento rin ni Sofronio ang kanyang naging journey sa The Voice USA.

“Nagsimula po ako sa Blind Audition, trying na just to represent myself, and, of course, sinubukan ko pong i-represent lang 'yung Utica, New York. Pero mapalad po ako na 'yung mga producer ng mismong show, sila 'yung nag-suggest na mas maganda kung siguro na i-represent mo 'yung Philippines kasi hindi pa sila nagkaroon talaga ng Filipino blooded, and born and raised.

“Tinuloy ko po 'yun and dahan-dahan po naming pinaghirapan po. And masaya po ako na along the way, talagang sincere at totoong pagmamahal 'yung galing kay Michael Buble para sa Pilipinas,” kwento niya.

Ayon pa kay Sofronio, may connections daw si Michael Buble sa Pilipinas dahil kumpare nito ang OPM singer na si Martin Nievera at mayroon daw naka-date na kilalang “dyosa” ang international singer.

Nakagawa ng kasaysayan si Sofronio Vasquez nang manalo siya sa grand finale ng The Voice USA, kaya siya ang unang Filipino at Asian na nakatanggap ng pagkilala.

Noong Disyembre 10 (US time), siya ay tinanghal na grand winner pagkatapos ng kanyang matagumpay na performance ng "Unstoppable" at "A Million Dreams" ni Sia mula sa The Greatest Showman.

Bago naging big champ ng The Voice USA, nagpursige siya ng karera sa dentistry at nakakuha ng doctorate bago lumipat sa U.S.

Mas kilalanin si Sofronio Vasquez sa gallery na ito:


Sofronio Vasquez
Education
'It's Showtime'
New York
Goals
Team Buble
Representation
Family
Dreams
Red carpet
Challenges
Childhood
Winning

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU