'The Write One' leads stars, bumisita sa Davao City

Bumisita sa Davao City ang lead stars ng upcoming romance drama series with a touch of fantasy na The Write One.
Pinasaya nina Kapuso stars Ruru Madrid, Bianca Umali, Mikee Quintos, at Paul Salas ang mga fans nila sa Abreeza Mall nitong March 16.
Bukod sa exciting performances mula sa apat, ibinahagi rin nila ang mga dapat abangan sa kanilang upcoming show.
Ang The Write One ay kuwento ng isang frustrated television writer na mabibigyan ng pagkakataon na literal na mabago ang kanyang buhay sa pamamagitan ng isang antique typewriter.
Ito ay mula sa GMA Public Affairs at ang unang serye na bunga ng historic collaboration sa pagitan ng GMA Network at leading pan-regional over-the-top (OTT) video streaming service na Viu.
Huwag palampasin ang world premiere ng The Write One sa March 20, 9:35 p.m. sa GMA, I Heart Movies at Pinoy Hits. May same-day replay rin ito sa GTV, 11:30 p.m. Maaari rin itong i-stream, anytime, anywhere sa www.viu.com simula March 18.
Samantala, silipin ang mga eksena mula sa Abreeza Mall show ng The Write One sa gallery na ito.









