Fast Talk with Boy Abunda
Thea Tolentino, hindi tinanong ng 'Will you marry me?' ng fiancé na si Martin Joshua

Binalikan ni Thea Tolentino ang nakakaaliw na proposal ng fiancé niyang si Martin Joshua sa pagbisita niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong December 6.
Pagbabahagi ni Thea, lumuhod nga si Martin para sa kaniyang proposal, ngunit hindi naman siya tinanong nito ng “Will you marry me?”
“Hindi nga tinanong agad, e. Hinihintay ko, kasi nagulat daw siya sa reaction ko, natatawa daw siya na umiiyak ako. Sabi niya lang, 'Just say yes.' Pero hindi ko sinasagot kasi gusto ko, tanungin niya ako,” pagbabahagi ni Thea.
Ngunit bago pa ang naturang proposal, ibinahagi rin ni Thea kung papaano sila napunta doon sa gallery na ito:









