advertisement
TV

Thea Tolentino, hindi tinanong ng 'Will you marry me?' ng fiancé na si Martin Joshua

1 of 10

Expecting a proposal

Pag-amin ni Thea Tolentino, July pa lang noong nakaraang taon ay inaasahan na niya na magpo-propose si Martin Joshua sa kaniya. Sa katunayan, inakala nga niya sa tatanungin na siya nito noong nagpunta sila sa Lake Louise sa Canada.

2 of 10

Beautiful scenery

Pagbabahagi ni Thea Tolentino, "Nu'ng nasa Canada kami kasi ang ganda, Lake Louise, sabi ko, 'Hala, baka dito magpo-propose.' Pero sabi niya, parang hindi daw niya feel kasi it's either kami lang dapat, or with special, mga close friends."

3 of 10

Magulat siya

Okay lang naman umano kay Thea Tolentino na hindi natuloy ang proposal sa Canada. "Basta gusto ko, magulat ako," sabi ng aktres.

advertisement
4 of 10

Photoshoot

Noong November, nagtaka at nagulat umano si Thea Tolentino nang tanungin siya ni Martin Joshua kung papaano ginagawa ang mga photoshoot ng aktres sa Japan.

5 of 10

Collaboration

Pagbabahagi ni Thea Tolentino, may ilang collaborations siya sa Japan para sa mga photoshoot niya roon.

6 of 10

Walang interes

Ayon kay Thea Tolentino, wala namang interes noon ang fiancé sa kaniyang photoshoots kaya laking gulat niya nang maging interesado ito rito.

advertisement
7 of 10

Excitement

Pag-amin ni Thea Tolentino, medyo na-excite siya sa posibilidad ng proposal, ngunit ayaw nito muna isipin dahil "gusto ko talaga magulat ako."

8 of 10

Namili ng location

Pagbabahagi ni Thea Tolentino siya pa nga ang namili ng location nila para sa photoshoot, "Gusto ko kasi may ginkgo trees kasi fall, ang ganda ng yellow trees. Tapos tinatanong niya ako, paulit-ulit, 'Gusto mo talaga dito?' Hindi niya maintindihan kung bakit gusto ko sa ilalim ng dilaw na puno."

9 of 10

Popping the question

Papunta na sana sila umano noon para sa second location ng photoshoot, nang hilingin ni Martin Joshua sa photographer na kumuha pa sila ng ilang litrato sa lugar. Doon na umano nakatunog sa Thea Tolentino sa balak ng boyfriend, kaya tumalikod siya ng kaunti.

advertisement
10 of 10

Kneeling on one knee

Pagbabahagi ni Thea Tolentino, "Finally, siyempre tumalikod ako, paglingon ko, ayan na, nakaluhod na." Sabi ng aktres, kahit kinutuban na siya ay iba pa rin pala talaga ang pakiramdam na tanungin siya ng direkta. Kaya naman, hindi niya malaman at ma-express kung ano talaga ang nararamdaman.

Around GMA