THEN AND NOW: Former 'Starstruck' contestant Jesi Corcuera

Free and proud!
Ito ang mensahe na gustong ipaabot ng former 'StarStruck' finalist na si Jesi Corcuera sa buong LGBTQIA+ community.
Una nating nakilala si Jesi nang sumali siya sa groundbreaking reality-based artista search ng GMA-7 taong 2006, kung saan batchmates niya sina Kris Bernal, Aljur Abrenica, Rich Asuncion, at Paulo Avelino.
Pero mas lalo tayo humanga nang umamin siya sa publiko na isa siyang transman at sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel, ibinahagi niya ang kanyang kuwento para lalong maiintindihan ng mga tao ang pinagdadaanan ng mga taong tulad niya.
Mas lalo pa nating kilalanin si Jesi Corcuera sa gallery na ito.




















