Mula noong '90s hanggang ngayon, ang Gwapings ang ilan sa mga aktor na nagpapakilig sa mga manonood.
Nakilala ang Gwapings na sina Eric Fructuoso, Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez, at Jao Mapa bilang phenomenal all-male group noong '90s. Sila ay napanood noon sa Palibhasa Lalake.
Sina Eric, Jomari, Mark, at Jao ay hindi lang sa kanilang kaguwapuhan sumikat, sila rin ay hinangaan dahil sa kanilang mga husay sa pag-arte.
Alamin ang buhay ng Gwapings dito:
Ang Gwapings ay ang all-male group na hinangaan noong '90s. Sila ay sina Eric Fructuoso, Jomari Yllana, Mark Anthony Fernandez, at Jao Mapa.
Nag-mature man ang mga Gwapings, sila pa rin ay mga kinakikiligang aktor ngayon. Tinututukan ang kanilang mga programa at guestings sa iba't ibang mga programa.
Si Jomari Yllana ay aktibo pa rin sa showbiz. Napanood siya sa iba't ibang Kapuso shows noon tulad ng Kakambal ni Eliana at The Half Sisters.
Taong 2000, ikinasal si Aiko Melendez kay Jomari. Nauwi ito sa hiwalayan at opisyal na-annul ang kanilang kasal noong 2004. Nagkaroon sila ng anak na lalaki na si Andre.
Tumakbong 1st District councilor of Parañaque City si Jomari noong 2022.
November 2023, ikinasal si Jomari sa kaniyang dating girlfriend na si Abby Viduya.
Patuloy pa rin sa pag-aartista si Eric Fructuoso. Kamakailan lang ay bumisita si Eric sa Sarap, 'Di Ba? at Fast Talk with Boy Abunda.
Inamin ni Eric na nakarelasyon niya noon si Claudine Barretto. Naging usap-usapan rin ang pag-amin niya na naging magkarelasyon sila ni Toni Gonzaga.
Kinagigiliwan din sa social media ang mga posts ni Eric.
Isa sa mga hinangaang artista simula noong pumasok sa showbiz si Mark Anthony Fernandez. Siya ay mula sa pamilya ng mga artista dahil anak siya nina Rudy Fernandez at Alma Moreno.
Nasangkot si Mark sa kontrobersiya dahil sa nahulihan siya noong 2016 ng isang kilo ng marijuana. Naibalita namang na-dismiss ang kaniyang kaso noong 2017.
Tinutukan ng publiko ang naging relasyon noon ni Mark Anthony at ni Claudine Barretto.
Hanggang ngayon ay tinututukan pa rin ng publiko ang career ni Mark sa showbiz.
Bukod sa pag-aartista, naging sikat na commercial model noon si Jao Mapa.
Ilang taon na si Jao sa showbiz, pero aktibo pa rin siya at napapanood sa iba't ibang mga programa.
Isa na ring artist ngayon si Jao at nakikita ang kaniyang mga paintings sa mga exhibits.