Theo Jang ng 'Single's Inferno,' naki-happy time sa 'TiktoClock'

Masayang umaga ang napanood sa TiktoClock dahil naka-bonding ng mga Tiktropa si Theo Jang.
Si Theo Jang ay nakilala sa season 4 ng reality show na Single's Inferno sa Netflix.
Saad ni Theo sa kaniyang pagbisita sa TiktoClock, "This is my second time to visit the Philippines."
Kuwento pa ni Theo ay masaya siya sa Pilipinas, "I feel priviledged to have a lot of opportunities to be in the Philippines.
Isa pa sa mga inilahad ni Theo sa TiktoClock ay ang kaniyang paghanga sa mga katangian ng mga Pilipino.
Ani Theo, "I personally love the people. Filipinos are so kind, so friendly, and warmhearted and beautiful."
Bukod sa Single's Inferno, si Theo ay bahagi ng Korea-Philippines co-produced film na Finding Santos.






