advertisement
Celebrity Life

These inspiring celebrity LGBTQIA+ couples prove 'love wins'

1 of 20

Boy Abunda and Bong Quintana

More than three decades na ang relasyon ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang partner na si Bong Quintana. Sa media conference ng GMA showbiz news and talk show niyang Fast Talk with Boy Abunda, inamin niyang hindi laging maganda ang takbo ng kanilang pagsasama pero, aniya, "Our love will always be bigger than our mistakes." Bahagi pa ng King of Talk, isa rin siya sa mga pabor sa same-sex marriage.

2 of 20

Renee Hampshire aka Ate Glow

Kilala na ngayon bilang Renee Hampshire ang impersonator ng dating pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo na si Rene Boy Facunla o mas kilala bilang Ate Glow. Ikinasal siya sa kanyang British boyfriend noong 2016 sa London.

3 of 20

Ice Seguerra and Liza Diño

Isang dekada na ang relasyon ng dating child star na si Ice Seguerra at ni dating Film Development Council of the Philippines chair na si Liza Diño. Ikinasal sila noong December 2014 sa San Francisco, California kung saan legal ang same-sex marriage. Matapos ang isang buwan, nagkaroon ng sila ng isang symbolic ceremony sa Laiya, Batangas para ipagdiwang ang kanilang pag-iisang dibdib kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

advertisement
4 of 20

Kaladkaren Davila and Luke Wrightson

Kinakikiligan sa social media ang sweet photos ng comedian and TV host na si Jervi Li, o mas kilala bilang Kaladkaren Davila, at ng British boyfriend niyang si Luke Wrightson. Taong 2012 nang maging magkakilala sa Hong Kong at naging magnobyo. Na-engage sila noong 2020.

5 of 20

Raymond Gutierrez and Rob William

June 2022 o pride month nang unang beses na ipinakilala ni Raymond Gutierrez ang kanyang boyfriend na si Rob William. Taong 2021 nang opisyal na inanunsyo ni Mond na isa siyang miyembro ng LGBTQIA+ community.

6 of 20

Nica del Rosario and Justine Peña

Matapos ikasal sa Sydney, Australia, muling ikinasal ang singer-songwriter na si Nica Del Rosario at aktres na si Justine Peña. Naganap ang kanilang second wedding noong February 2023 sa Cavite.

advertisement
7 of 20

Joey Mead and Angelina Mead King

Going strong ang samahan ng mag-asawang Joey Mead at Ian Angelo King na kilala na ngayong Angelina Mead King. Five years into their marriage, inamin ng car enthusiast at hotel fortune heir na isa na siyang trans woman, bagay na hindi naging hadlang sa kanilang pagsasama.

8 of 20

Nar Cabico and VJ Capule

Ginanap ang pag-iisang dibdib ng GMA artist na si Nar Cabico at ng kanyang longtime boyfriend na si VJ Capule sa Los Angeles, California, USA noong August 2017.

9 of 20

Sheryn Regis and Mel De Guia

Isang taon at mahigit ang relasyon ng mang-aawit na si Sheryn Regis at ng girlfriend niyang businessman na talent manager din niyang si Mel De Guia.

advertisement
10 of 20

Joel Lamangan and Jim Pebanco

Sa teatro nagsimula ang pagiging malapit ng batikang direktor na si Joel Lamangan at ng character actor na si Jim Pebanco. May 30 years na silang magkarelasyon matapos magkilala noong '80s.

11 of 20

Rajo Laurel and Nix Alañon

Successful in both love and in their respective fields ang longtime couple na sina Rajo Laurel, isang fashion designer, at Nix Alañon, isang interior designer.

12 of 20

Tim Yap and Javi Martinez

Ikinasal ang socialite na si Tim Yap sa event director na si Javi Martinez sa ikalawang pagkakataon sa Amanpulo.

advertisement
13 of 20

Fifth Solomon and Sacarie Alcala

Noong March 25, 2023, nag-celebrate ng kanilang first anniversary ang direktor na si Fifth Solomon at modelong si Sacarie Alcala.

14 of 20

Enzo Almario and Ceejay Serrano

Sa titigan pa lang nila, masasabing very much in love ang LGBT coupe na sina Enzo Almario at Ceejay Serrano.

15 of 20

Vice Ganda and Ion Perez

Isa sa mga kinikigilan at hinangaan ng fans ang celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez. Nag-umpisa sa biruan ang kanilang love story sa It's Showtime hanggang sa nagka-debelopan nang tuluyan ang dalawang host. Ikinasal sina Vice at Ion sa Nevada, USA noong 2021.

advertisement
16 of 20

Medwin Marfil and Mark Angeles

Maraming netizens ang natuwa at sumuporta nang nalaman nila na ikinasal si Medwin Marfil ng True Faith sa kanyang partner na si Mark Angeles. Sa kanyang Facebook post, ipinakita ni Medwin ang kanilang sweet wedding photo sa Rockaway Beach, California.

17 of 20

Jake Zyrus and Shyre Aquino

Noong 2018, binalitang ikakasal na ang sikat na singer na si Jake Zyrus sa kanyang fiance at fitness instructor na si Shyre Aquino. Nagkakilala ang dalawa sa isang event kung saan dumalo si Shyre bilang isang fan.

18 of 20

Pat Lasaten and Agnes Reoma

Masayang ikinasal noong 2024 ang Ben&Ben members na sina Pat Lasaten at Agnes Reoma. Sa isang Instagram post, ikinagulat at ikinatuwa ng marami ang kanilang wedding photos na kuha sa Los Angeles, California. Dumalo sa kanilang espesyal na araw ang kanilang pamilya, matatalik na kaibigan, at siyempre, ang mga minamahal nilang Ben&Ben bandmates.

advertisement
19 of 20

Adrian Lindayag and Michael Dychiao

Isa pang ikinagulat at ikinilig ng fans ang wedding photos nina Adrian Lindayag at Michael Dychiao. Masayang ikinasal ang dalawa sa US at kinunan ang kanilang romantic shots sa Grand Central Terminal ng New York City.

20 of 20

Nurse Even and Paul

Noong August 2025, inanunsyo ng medical content creator at professional nurse na si John Steven Soriano o mas kilala bilang Nurse Even na ikinasal na siya sa kaniyang fiancé na si Paul. Sa Facebook post ni Kunars, ibinahagi niya ang ilang highlights ng kaniyang wedding sa U.K. at isinulat sa captions, “Sa hirap at ginhawa.”

Around GMA