Bukod sa sikat na Filipino showbiz personalities, inaabangan na rin ngayon sa YouTube ang nakatutuwang appearance ng ilang celebrity kids.
Isa sa celebrity kids na labis na kinagigiliwan ng marami ay ang anak ni Angelica Panganiban na si Amila Sabine na kilala rin sa palayaw na Bean.
Kilalanin ang iba pang tulad ni Bean na little YouTube star sa gallery na ito.
Maraming netizens ang natutuwa sa two-year-old daughter ni Angelica Panganiban na si Amila Sabine.
Mapapanood na sanay na sanay si Amila Sabine sa pagharap sa camera tuwing nagba-vlog ang kanyang mommy at daddy na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan.
Bukod sa interviews, mapapanood din sa YouTube channel ni Toni Gonzaga ang adorable moments ng kanyang mga anak na sina Seve at Polly.
Bida rin ang cute na cute na si Polly sa ilang vlogs ng kanya mismong tita na si Alex Gonzaga.
Marami ring fans sa YouTube ang anak nina Jessy Mendiola at Luis Manzano na si Rosie.
Isang little baker si Rosie sa isa sa vlogs ng kanyang mommy na si Jessy Mendiola.
Isang bibong bata ang bunsong anak ni Diana Zubiri na si Mimi.
Sa ilang vlogs ni Diana Zubiri, mapapansin ang pagiging madaldal ni Mimi habang kasama niyang nagba-vlog ang kanyang mommy.
Tulad ng sikat na vlogger-actress na si Zeinab Harake, marami ring fans ang kanyang baby girl na si Zebbiana.
Mapapanood sa ilang vlogs ni Zeinab Harake na sanay na sanay na si Zebbiana sa pagba-vlog.
Kabilang sa inaabangan ng netizens sa YouTube ay ang vlogs ng celebrity mom na si Kaye Abad kasama ang kanyang handsome sons.
Tampok sa vlogs ni Kaye Abad ang ilang life updates tungkol kina Joaquin at Iñigo.
Tiyak isa sa mga unang isipin ng netizens tungkol sa little YouTube stars ay walang iba kundi ang anak ni Jhong Hilario na si Sarina!
Mana sa kanyang ama, mahilig sumayaw at magpatawa si Sarina online. Sa mga espesyal na okasyon, sumasama pa ito sa ilang live performances sa It's Showtime!
Hindi matiis ng netizens na ma-in love sa cuteness overload ni Baby Aleck, anak ni Benedict Cua!
Madalas kasama si Baby Aleck sa vlog ni Benedict Cua, kung saan bibong nakikipaglaro at tumatawa ito kasama ang kanilang pamilya. Dahil sa cuteness ni Baby Aleck, tinawag siyang Baobao ni Benedict at ng kanilang fans.