These witty memes poking fun at PCSO prove that Pinoy humor is on another level

Ilang araw na ring hot topic sa social media ang ngayo'y viral photo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Agad na umani ng samu't saring reaksyon mula sa netizens ang ibinahaging larawan ng PCSO sa kanilang Facebook page kung saan makikita ang Assistant General Manager nitong si Julieta Aseo na iniaabot ang cheke sa Lotto 6/42 winner na taga-San Jose Del Monte, Bulacan.
Kinuwestiyon ng marami ang pagkalehitimo ng nasabing larawan, na anila mukhang "edited" dahil na rin sa lighting, texture, at ang nakapalibot na dark blue outline sa kasuotan ng nanalong mananaya.
Noong Huwebes (January 18), kinumpirma ng PCSO na ini-edit nila ang viral photo na ito para na rin anila proteksyunan ang pagkakakilanlan ng mananaya, na nanalo ng mahigit PhP43 million. Pero kahit na edited, nanindigan ang PCSO na tunay na tao ang nasa litrato.
Samantala, bukod sa mga kuwestiyong natanggap, umani rin ng mga nakatutuwang memes mula sa netizens, content creators, at ilang kilalang brands ang viral photo na ito ng PCSO. Tingnan sa gallery na ito:







