Third eye, gagamitin para maghanap ng hustisya sa 'Magpakailanman'

GMA Logo Ang Ikatlong Mata

Photo Inside Page


Photos

Ang Ikatlong Mata



Maghanap ng hustisya ang isang lalaki sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.


Tampok sa episode na pinamagatang "Ang Ikatlong Mata" ang kuwento ni Jake, lalaking may "third eye."

Magiging mailap siya sa mga tao dahil sa kakayanang ito.

Gayunpaman, magiging close siya kay Nanay Celia, ang kanyang mabuting boss at may-ari ng karinderyang pinagtatrabahuhan niya.

Kaya naman nang biglang napaslang si Nanay Celia, gagawin ni Jake ang lahat para matukoy kung sino ang salarin.

Mahanap kaya ni Jake ang killer ni Nanay Celia?

Abangan ang brand-new episode na "Ang Ikatlong Mata," March 1, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.


Mapapanood din ito nang sabay online via Kapuso Stream.


Samantala, silipin sa gallery na ito ang ilang mga eksena mula sa "Ang Ikatlong Mata" episode:


Royce Cabrera
Maricar de Mesa
Multo
Smokey Manaloto
Tina Paner and Liezel Lopez
Third eye
Ang Ikatlong Mata

Around GMA

Around GMA

Dizon: I have not authenticated the so-called Cabral files
Over 20,000 passengers logged in NegOcc on holiday rush
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe